C H A P T E R _ 58

23 5 0
                                    

16 hours. 44 minutes. 28 seconds.

At that long span of time, alam kong may magagawa pa ako. Alam kong may madadatnan pa ako. Alam kong mabubuhay pa siya. Alam kong hindi ako uuwing maraming pinagsisisihan.

At that long span of time, alam kong makakasama ko pa ang best friend ko.

Pero wala. Wala na akong naabutan kung hindi ang nakahimlay niyang katawan. Tahimik na natutulog sa pihit ng kawalan. Hindi na muli pang makamumulat. Hindi na muli pang makangingiti. Hindi ko na muli pang makakasama.

Nakasubsob lamang ako sa ibabaw ng kaniyang kabaong, pinupuno ng aking mga luha hanggang sa tumigil na ito sa pag-agos mula sa aking mga mata.

Wala akong nagawa para kahit papaano ay mailigtas ko man lang siya mula sa bingit ng kamatayan. Ang sakit. Napakasakit.

Bakit ba lahat ng mga mahal ko sa buhay ay pilit nilang inaagaw mula sa akin? Bakit ba napakamalas ko kapag nagbabalik ako ng pagmamahal sa ibang tao? Bakit parang pinagkaitan akong sumaya? Parang pinagkaitan akong umibig sa mga taong mahalaga para sa akin?

Iniiyak ko lang ang lahat ng aking nararamdaman. Napakasama kong kaibigan. Wala na akong kwenta.

Sa kalagitnaan nito ay nakaramdam ako ng paghagod mula sa aking likuran. Nang iangat ko ang aking ulo ay nahagip ko ang malulungkot at nag-aalalang mga mata ni Zon.

Napahikbi ako bago muling humagulhol at yumakap sa kaniya. Inihilig ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib at nabasa na ng aking mga luha ang kaniyang damit. Nakayakap lamang ako sa kaniya habang hinahagod niya ang aking ulo't likuran.

"Huwag kang mag-alala, magiging ayos lang ang lahat," bulong niya sa akin. "Nandito ako..."

"Nandito lang ako..."

"Tiffany..." malumanay na pagtawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Napabalikwas ako mula sa pagkakayakap kay Zon nang makita ko kung sino mang bumanggit sa aking pangalan.

Nagkaroon ng pagkirot sa aking dibdib nang makita ko ang pagmumukha ng walang kwentang ina ni Gione na siyang nagpamigay sa kaniya. Si Jeanette Unison.

"Nakikiramay ako sa pagkamatay ng aking... a-anak," napayuko siya sa kaniyang sinabi.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan, nakatiim ang aking mga kamao. Pigil na pigil ko ang aking galit ngunit nang makalapit na ako ay hindi ko na ito nakimkim pa.

Isang malakas na pagsampal ang aking napakawalan sa kaniyang kaliwang pisngi.

Halos lahat ng nakasaksi ay nagulat sa aking ginawa. Mabilis namang lumapit sina Mama Fhanie at Khaerel upang mamagitan. Narinig ko ang paghikbi ni Ma'am Jeanette habang nakadampi ang kaniyang mga kamay sa kaniyang pisngi kung saan ko siya sinampal.

"Kulang pa 'yan. Kulang pa 'yan para sa mga ginawa mong katangahan! Kulang pa 'yan para pagbayaran niyo ang kamatayan ng aking pinakamatalik na kaibigan," pagbulyaw ko sa kaniya. Mahigpit na hinawakan ni Zon ang aking balikat upang hindi na ako muli pang makasugod.

"Wala kang karapatang makiramay sa pagkamatay ni Gione. Anak mo man siya o hindi, wala kang karapatan dahil isa ka sa mga dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng 'to!" nasira ang aking boses sa paninigaw ko sa kaniya. Hindi ko na mapigil pa ang galit na nararamdaman ko para sa kaniya.

Nagmamakaawa siyang tumingin sa akin. Pulang pula ang kaniyang mga mata mula sa walang habas na pag-iyak.

"Tiffany... I'm very sorry. I'm sorry kung kinailangan pang mangyari 'to."

I scoffed, "Sorry? Sorry? Puwes, sorry din dahil wala nang magagawa 'yang sorry mo. Ano sa tingin mo? Na maibabalik pa ng sorry mo ang isang buhay na nawala? Hindi ko nga alam kung bakit ka pa nagpakita ngayon dito e. Wala ka nang karapatan pa para magpakita rito kaya kung ako sa 'yo, aalis na lang ako."

The Unluckiest Love of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon