C H A P T E R _ 3

203 33 1
                                    

There are three types of bitches.

Yung una, yung mga plastik kagaya ni Khaerel.

Yung pangalawa, yung mga dictionary-faced kagaya ni Muriela.

At ang pangatlo, ang mga superstar actress kagaya ni Rhizia.

Lahat sila kinasuklaman ako noon at sa tingin ko, mas lalo nila akong kasusuklaman ngayon.

What I've done is sweet for me. 'Di ko akalaing ganun pala ang kayang gawin ng galit sa 'kin. It possessed me the way na parang sinaniban ako ng enchanted prowess.

Nasa gymnasium kami ngayon ni Gione. Today's half day to give way for our school's preparation for the upcoming science fair.

I was reading my Science textbook for reviewing. Bakit? Kasi kasali ako sa list of participants para sa techno quiz bee. Well, ICT is my only specialty and the rest of the subjects?

Ha! Nganga!

Oo, call me bobita pero wala eh. 'Di kinikeri ng brain ko ang lahat ng lessons. Dala na rin siguro ng mga peklat ng mga pambubully sa 'kin ng TG but not anymore!

Nasa checklist ko rin ata ang pagbabago para sa aking academics. I need to turn my life upside-down nang mabago na ang wheel of fate ko.

Mabalik sa katotohanan. Actually, sa library dapat ang punta ko para makapag-review but Gione insisted na sa gymnasium na at kailangan ko raw siyang samahan. I couldn't resist her naughtiness kaya ayun, napa-oo na lang ako ng 'di oras at heto ako ngayon! Nakikipagsapalaran sa maingay na area habang sinusubukang mag-focus sa pagrereview.

The first computer was the ENIAC which stood up like a refrigerator and-

"Gaaahhh!" naputol lahat ng minimemorya ko nang biglang tumili si Gione at pinagkukukurot ako.

"A'a! Ano ba bessy? Mukha ba akong kuto para tirisin mo ako ng ganyan?"

Nagsimula nang magtinginan sa amin ang mga naririto sa gymnasium. Ang iskandalosa talaga ng babaeng ito.

"Shhh! Bessy, wag ka namang maingay," bulong niya habang nakita ko sa mga mata niya ang mga dahilan kung bakit siya napatili.

I looked at the direction kung saan nia posibleng naispatan ang dahilan ng pagtili niya.

I smirked at the thought. Tsk, kiri.

"Kaya naman pala..." I teased na siyang ikinangamatis ng mga pisngi niya.

Aba! Kung babae ka at may nakita kang cute-slash-gwapo-slash-maputing lalaking naghuhubad ng damit sa harap ng iyong mga mata, 'di ka kaya mag-react?

What's more, it was that Calvin Vibe Guadalupe who stripped down his sweaty tee.

"Ha! Huli ka! Akala ko ba sabi mo ako ang may type doon? Heller, mas mukhang ikaw pa ang gustong pumatol 'dun sa tingting na 'yun eh," bulong ko kay Gee nang makita kong nakayuko siya habang pinipigilan ang kanyang kakirihan.

Ibinaling ko na ulit ang tingin ko sa libro. Akmang magbabasa na ako ng unit two nang biglang pasimpleng kinurot ako ni Gione sa tagiliran.

Pinalo ko ang kamay niya, isang senyales na medyo naiiritabna ako sa kakirihang taglay niya.

"Isa pang kurutin mo ako nang unprepared, ibubunyag kita," I playfully threatened her.

She mouthed a "Sorry, ang cute niya kasi," bago siya nagkunwaring nagbabasa rin.

"Oi! CK!"

Napaangat ang ulo ko sa direksyon kung saan may narinig akong pagtawag. Gayon din si Gione.

The Unluckiest Love of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon