C H A P T E R _ 26

61 11 0
                                    

Kasama ko si Sy ngayon sa hospital to visit Gione. Magpapangalawang araw na niya itong naka-confine sa hospital and yet hind ko pa rin siya nakikitang nakadilat.

It's Sunday kaya I have all the free time in the world.

Hawak hawak ni Sy ang aking kamay bago kami pumasok ng hospital.

Simula pa noong Friday, he was like this at medyo nagugulumihanan na ako doon. He was being sweet to me all of a sudden pero of course, 'di ko iyon nilalagyan ng malisya. I always thought na bumabawi lang siya and he wanted to prove that he's worthy of being a friend.

Nothing more. Nothing less.

Isa pa, siya lang ang laging nasa tabi ko simula nang isugod dito sa hospital si Gee.

Jason wasn't there. Vibe wasn't there. And si Zon, he's not there as well.

I wonder how is that bastard. Ewan ko ba, lagi na lang siyang napapasok sa aking isipan, iniisip kung kamusta na ba siya o ano.

After our encounter that Friday ay nagsimula nang maging weird ang mga kinikilos niya and starting yesterday ay hindi na niya ako pinapansin.

Ni isang pangungulit mula sa kaniya ay wala akong naramdaman.

Fresh na fresh pa talaga sa isipan ko ang naging mga kaganapan. They were all acting weird.

*    *    *

"Tiffany, I promise you. Habang nandito pa rin sa hospital si Gee, ako muna ang hahalili sa puwesto niya. Hinding hindi kita iiwan," iyan ang mga salitang kaniyang binitiwan bago ko siya harapin at ngitian.

I mouthed a, "Thank you," bago ko ulit lingunin ang aking best friend.

Kahit pa nagkaroon kami ng mababaw na pagtatalo at 'di pagkakasundo, wala pa ring makapapalit kay Gione bilang aking best friend.

Hinawi ko ang kaniyang buhok at tiningnan. Napatulala na lamang ako sa kaniya at biglang nawala sa aking pag-iisip.

Tila nagbalik naman lahat ng aking alaala nang may maramdaman akong pagyakap mula sa aking likuran. Nabalot ng init ang aking buong katawan at tila hinila ako palayo sa malamig kong pag-iisip.

"You have no idea how much I was longing for you, Tiffany," bulong sa 'kin ni Sy habang nakapatong ang kaniyang ulo sa aking balikat.

Biglang nanigas ang buong katawan ko. I wasn't ready for any confessions at all kaya pinalagpas ko na lamang sa isip ko ang sinabi niya. Baka mamaya kasi nagkamali lang ako ng dinig. Ewan ko, paranoid na talaga ako.

Naudlot ang mga iniisip ko nang tumunog ang aking cellphone sa aking bulsa. Kumalas na rin si Sy sa pagkakayakap sa akin.

Nginitian ko muna si Sy bago ko tingnan ang aking cellphone. Kumunot ang aking noo nang mapansin kong isang unregistered number ng natawag sa akin. Dinecline ko na lamang ang call bago muling binalik ang phone sa aking bulsa.

"Sino iyon?"

Hindi ko na pinansin si Sy at tinitigan na lamang si Gione. I mustered a faded smile bago muling harapin si Sy.

The Unluckiest Love of AllWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu