C H A P T E R _ 30

57 9 0
                                    

Taranta akong napapatalon habang inaayos ang aking sarili nang makita ko ang tila walang malay na katawan ni Sy na buhat-buhat ni Jason.

"Anong nangyari?!" pag-intriga ko kaagad kay Jason pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto kaya kaagad ko na siyang pinapasok at walang habas naman niyang binuhat si Sy at inihiga sa aming sofa.

Hingal na hingal si Jason kaya kumuha na agad ako ng tubig para mapainom siya.

"May first aid kit ka ba diyan?" hingal na hingal niyang sabi at doon ko lang napansin ang duguang balikat ni Sy kaya dali-dali akong naghanap ng gasa at ng iba pang pang-first aid.

Aligaga naming inintindi si Sy habang siya'y tila wala nang malay. Hinawakan ko ang kaniyang braso at hinanap ang kaniyang pulso. Nakaluwang naman ang aking paghinga nang matagpuan ko ito.

"Diyan ka lang, Sy. 'Wag kang bibitaw," imik ko habang ginagamot namin ni Jason ang kaniyang mga sugat. Aligaga na kami ngunit dahan-dahan pa rin kaming kumikilos para wala nang mangyaring mas malala.

"Kaunti na lang," si ni Jason.

Mabilis na tumitibok ang aking puso sa mga nangyayari.

Bigla ko tuloy naalala ang mga kaganapan na siyang gumulantang sa aking pag-iisip.

Bakit parang pinlano ang pagkakasunod-sunod ng mga taong kinukuha palayo sa akin?

Una si Gione. Tapos si Zon. Ngayon naman, si Sy?

Hindi ko na maintindihan kung maluluha na ba ako sa lungkot o sa takot pero hinayaan ko na lang malunod ito sa aking mga guniguni. Bigla siyang nawala noon, noong mga panahong na-kidnap ako at nahirapan. Nawala siya sa aking paghihinagpis. Hindi ko na tuloy mamalayan kung maaawa ba ako sa kaniya o paghihinalaan ko siya.

Biglang pumatak ang aking luha mula sa aking kaliwang mata ngunit dali-dali ko itong pinahid.

Ilang saglit pa ay natapos na namin ni Jason ang paggamot kay Sy. Wala pa rin siyang malay pero natutuwa naman ako at nakikita ko pa siyang nahinga.

Prinesenta kong dalhin muna siya sa aking kwarto upang doon makapagpahinga. Hindi na naman tumutol doon si Jason.

Dali-dali niyang binuhat si Sy at inalalayan ko na rin siya para hindi siya mahirapan. Dahan-dahan namin siyang iniakyat papunta sa aking kwarto. Pagkapasok na pagkapasok ay inihiga agad namin siya sa aking kama, inayos ang higaan bago siya kinumutan.

Hinipo ko ang kaniyang noo.

Nilalagnat siya.

Iniwan ko muna si Jason sa kwarto para kumuha ng basang lampin na pwedeng magamit para kay Sy. Nakahanap ako ng bimpo sa drawer namin sa salas at iyon ang dali-dali kong binasa at nilagyan ng alcohol panlagay sa noo ni Sy.

Pagkatapos noon ay dali-dali na akong bumalik sa kwarto. Nakaupo lang sa sahig si Jason pinaglalaruan ang kaniyang mga daliri. Bigla siyang napatayo nang mapansin niyang pumasok na ako sa kwarto.

Nilapitan ko si Sy na siyang mahimbing na natutulog sa aking kama. Bigla akong naawa sa kaniya.

Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa kaniyang noo bago ko pinatong ang basang bimpo. Naupo ako sa kama sa kaniyang tabihan at pinagmasdan ko ang kaniyang mukha.

Hinagod-hagod ko ang kaniyang buhok at sa 'di malamang dahilan ay bigla akong napangiti.

Ramdam ko ang paglubog ng mattress nang mapansin kong umupo si Jason sa aking tabihan. Nilingon ko siya at tsaka ngumisi na sinuklian niya ng isang malungkot na pagngiti.

Ibinaling ko na lamang muli ang aking tingin kay Sy at doon ko na lamang muli binasag ang katahimikan, "Thank you, Jason."

Ramdam kong tiningnan niya akong muli pero wala siyang inimik kung kaya't bigla akong napabuntong-hininga.

The Unluckiest Love of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon