C H A P T E R _ 52

22 5 0
                                    

"Tita Gielyn!" bati ko nang salubungin kami ng nanay ni Gione pagkababa namin ng sasakyan ni Math.

"Tiffany, kamusta ka na?" masigla niyang pagkakasabi.

"Ma," singit ni Gione para putulin ang aming pag-uusap. "Alam na nila na ako si Colesha."

"Ha?" Tita Gielyn exclaimed.

"Pero hindi ko pa po sigurado kung alam na po iyon ng nanay ni Khaerel."

Nakahinga naman ng maluwag si Tita Gielyn nang sabihin iyon ni Gione. Mabilis niya kaming pinatuloy sa loob ng bahay. Nilapitan ako ni Zon at hinagip ang aking kamay. Mahigpit niya itong hinawakan habang sabay kaming pumasok sa loob.

"Teka, umupo muna kayo," anyaya ni Tita Gielyn. "Paghahanda ko lang kayo ng makakain." Dumiretso si Tita Gielyn sa kusina at naiwan kaming anim sa sala.

"Khaerel," pagtawag ng atensyon ni Zon. "Sorry to ask pero, paano mo nalamang si Gione ang tunay na Colesha na sinasabi niyo at paano mo siya nakontak? Palagi kasing kinikuwento sa akin ni Chloe si Gione and then one time, hindi na siya muling nagpakita."

Gione and Khaerel exchange looks hanggang sa umimik na si Khaerel. "Dahil narinig ko ang usapan noon nina Mama, Jason, at Mr. and Mrs. Refqon."

Nang sabihin iyon ni Khaerel ay muli ko na namang naalala ang mga kaganapan noong party. Magkaungkutan sina Ma'am Jeanette at Jason. "At the party?" biglaan ko na lamang nasabi.

"Not just at the party," matalim na pagkakasabi ni Khaerel. "Pati na rin kanina bago pa man ako tumawag sa 'yo. And yesterday when she was on the phone. Meron akong recorded na usapan nila nung sa party," aniya sabay kuha ng kaniyang phone at tsaka pin-lay ang isang recorded voice na siyang nagpapatunay sa mga sinabi niya.

"—so that's why, I've been thinking," simulang sabi ni Ma'am Jeanette mula doon sa recorded voice ng pag-uusap nila. "I've been thinking to tell her the truth."

"Tita, I am telling you and telling you this. Si Mrs. Refqon na mismo ang nagsabi. Mali ang nakuha nating tao," boses naman iyon ni Jason na siyang sumagot sa sinabi ni Tita Jeanette.

"At paano ka nga nakasisiguro sa mga sinasabi mo?"

Biglang tumahimik ang nga nagsasalita sa voice record at tanging hagishis na lang ng paligid ang nasasagap na ingay. Ilang segundo pa ang nakalipas ay muling my umimik.

"See? Wala ka pang patunay sa mga sinasabi mo. As long as I know her by that name, masasabi kong siya iyon," agresibong pagkakasabi ni Tita Jeanette. "Anyway, Khaerel. How's your work in Connie Fashions doing?"

"Just... fine," simpleng sagot ni Khaerel. Narinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga. "Ma, bakit mo ba ako pinagpilitang ipasok sa kumpanyang iyon?"

"Dahil gusto kong makilala mo pa ang matagal mong nawalang... p-pinsan," she stammered.

"Yeah, I get that pero bakit? Bakit kailangan ko pa siyang kilalanin?"

Hindi na nasagot ni Ma'am Jeanette ang tanong ni Khaerel nang sumingit si Jason.

"Okay, I'm sorry Tita but this time, I'm out. I'm not risking Tiffany's life for this," ani Jason at dinig ko ang pagbulong sa kaniya ni Rhizia. "Kung ayaw niyo rin naman akong paniwalaan sa mga sinasabi ko, then hindi na muli akong magpapagamit sa inyo." Then I heard a slamming noise.

"It's alright, Jason. Kung gusto mong humiwalay, ayos lang. But remember, kung hindi dahil sa akin siguro sa babuyan ka pa rin natutulog hanggang ngayon. Kayo ng pamilya mo."

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now