Volume 1: Prologue

8.5K 328 12
                                    

Valk's Family House
[ 8:59 PM ]

"Enjoy the game!"

Isang malalalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Halos ilang oras ko ding binasa ang Game Guide ng Exyvius Fantasy Online.

Kaunti lamang ang nakuha kong impormasyon. 'Yong iba kasi, una ko nang naresearch sa kanilang website at napanood sa trailer.

Sinarado ko na ang Game Guide at ipinatong ito sa aking bedside table. Muli akong tumingin sa aking kama. Nakapatong doon ang isang package na huling pinadala sa akin ng magulang ko. Kasama na doon ang Game Guide.

Dumiretso ako sa aking kama at inilabas ang ilan pang gamit na nasa loob nito.

Dimension Glass, para siyang shades kung saan madadala ang diwa mo sa game. Isusuot lamang tapos ire-relax ang katawan, then BBOOM! nasa game ka na.

Syempre hindi gagana ang game kung walang game chip. Isa na dito ang game chip ng Exyvius Fantasy Online. Sinlaki lamang siya ng memory card adapter.

Ibinaba ko na ang kahon sa aking lamesa upang humiga. Isinalpak ko ang game chip sa Dimension Glass saka isinuot ito.

System reading»»»

Vital statistics»»»

Updating info»»»

Game installing»»»

96%»»

97%»»

98%»»

99%»»

100%

»Exyvius Fantasy Online successfully installed«

Gaya ng nabasa ko guide, may kailangang sabihin na magic word para pumasok sa game.

Ahh! Tama!

"Link start!"

...

Sorry, huli kong pinost ang Prologue. Hehehe

✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 1: The Phantom Cheater #RPGCertifiedWhere stories live. Discover now