Chapter 10: Dred the Assassin Alpha

3.7K 210 15
                                    

|Shadow Forest|

Ting!

You level up

Lvl 12-13

You gained:
•200 Golds
•Boar Meat ×2

Nang dahil sa bago kong set, one hit na lamang ang nga Wild Boar sa Shadow Forest. Isa pa mababa lamang ang range ng level nila kaya maliit lamang ang bigay na EXP.

Nakakabanas lamang dahil tatlo lamang ang mobs dito. Wild Boar, Vine Eater at Werewolf. Hindi counted ang Warewolf dahil sa gabi lamang nalabas kaya dalawa lahat bale.

Pagkabigay na pagkabigay ng quest ni Grump kanina, agad na akong umalis. Kakaiyamot din ang minerong yon, sapilitan ang quest. Di na ako nakatangi.

"Lay, anong halimaw ang makikita ko sa Alpha Cave?" Tanong ko sa aking Guardian na nakalutang sa aking tabi.

Lumipad ang Book of Monsters sa aking harapan. Bumukas ito at nagliwanag ang nga pages saka naglabas ng hologram.

Eh? Yan yong Werewolf eh,

"Connected ang Shadow Forest sa Alpha Cave. Sa kwebang yan nanggagaling ang Werewolves." Paliwanag ni Lay.

Habang naglalakad kami, tinignan ko muna ang aking Status.

[Status]

Name: Valk
Level: 13
Class: Swordsman (11%)

Hp: 1, 800/1, 800
Mp: 650/650
Sp: 650/650

Atk: 300-495
Mgc: 330
Df: 840
Sp: 365

Dahil sa bago kong set tumaas ang aking stats. Isa pa ang paunti-unti kong paglevel.

Pagnareach ko na ang 50% ng Swordsman, ito na ang magiging permanent class ko. Ibig sabihin di na ako makakapagshift patungo sa isa pang class. Kaya hanggat maaari, ayaw ko munang abutin ang limit na yon.

Marksman ang gusto kong class. Kaya lang sword ang laman ng starter packs ko. Random ang makukuha doon kasi walang kasiguraduhan ang makukuha ko.

Sa gitna ng aming paglalakad, napansin ko na dumidilim na ang paligid.

"Teka, umaga pa lang kanina ah."

Tumingin ako sa aking mapa pero nasa Shadow Forest pa rin kami. Biglang nagkaroon ng hamog at kumulimlim ang ulap. Nagbabadyang umulan.

"Nandito na tayo." Sabi ni Lay.

|Dred's Cave|

Nang nawala ang hamog, saka ko lamang nakita ang isang kweba. Mayroong tarangkahan na gawa sa isang higanteng halimaw.

Kung ganon, sadyang dumidilim ang panahon kapag malapit na sa kwebang to. Hmm, magaling.

Tumungo na ako sa loob ng kweba. Sa aking paglalakad, dinig ko ang nakakakilabot na alulong ng mga Werewolf sa loob.

Nang dahil sa aking ability na Nightvision, madali na lang para sa akin ang makakita sa loob. Isa pa may light effect ang espada kong Angel Justice. Kaya di ako nahihirapang makakita sa loob.

Halos ilang minuto na akong naglalakad pero wala pa rin akong nakakasalubong na Werewolf. Puro mga malalaking bato ang nakikita ko.

"Ang Alpha ay nasa pinakadulo nitong cave kasama ng kanyang pack. Kaya wala kang nakikita." Paliwanag sa akin ni Lay.

Kaya pala. Mas madali kung sabay-sabay ko na silang papatayin sa loob. Nasa level 5-10 lang naman ang range ng level nila kaya madali lang silang patayin. Lalo na't nasa akin ang tatlong kahinaan nila. Ang apoy, liwanag at metal.

✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 1: The Phantom Cheater #RPGCertifiedWhere stories live. Discover now