Chapter 17: Journey to Faraday Town (Part 3) The Resolution

3.2K 185 16
                                    

|Faraday Town|

"Bwisit!"

Napamura na lamang ako ng bigla akong paputukan ng Sheriff. Dali-dali akong tumakbo patungo sa may kainan at nagtago sa counter.

Bwisit! Ang hirap nito!

Long range plus malee. Baril at espada, mahihirapan ako nito.

"Labas bata! Labas! Bwahaha!" Sigaw niya habang patuloy sa pagpapaulan ng bala sa pinagtataguan ko.

Okay, fine!

Binuksan ko ang aking inventory at hinanap ang nakuha kong loots sa Worgen. Balak ko sanang sa event ko na 'to gamitin. Pero tinatawag na ako ng pagkakataon.

Moon Necklace
(Celestial)
-a powerful necklace that possess great spirit and magic.
+1, 000 HP
+1, 000 MP
+1, 000 Stm
+500 Atk
+500 Def
+500 Spd
+1, 000 Mgc Atk
+1, 000 Mgc Def

Passive Skill:
Moonlight
-doubles attack speed during night.

Moon Shine Pauldron
(Celestial)
Weight: Normal
-a pouldron that can increase the wearer's agility and strength.
+500 Atk
+1, 000 Def

Passive Skill:
Brute Force
-increase the wearer's ability to carry different weapons at the same time.
Double Wield
-allows the wearer to use two different weapons at the same time.

Cresent Moon Dagger
(Ancient)
-an ancient dagger that cames from cresent moon. This dagger possessed by great moon fairy.
+800 Atk
+1, 000 Mgc Atk

Passive Skill:
Moon Fairy
-summons Cresent the Moon Fairy during night that will be your ally on battle

Laglag panga ako ng mabasa ang descriptions at attributes ng mga nakuha ko sa Worgen. Masyadong over powered, lalo na 'tong Moon Necklace!

"LABASSS!!!!"

OP nga, kaso maaactivate lang ang passive tuwing gabi. Ta's ngayon tirik na tirik ang araw. Hayy, bwisit!

Iniequip ko na lahat ng mga ito. Kasama na ang Cresent Moon Dagger. Tutal, kaya ko nang magdouble Wield dahil sa passive nito, ibig sabihin, magagamit ko ang Angel Justice at Cresent Moon Dagger ng sabay!

"Fine!"

Bahagya ako sa labas ng pinagtataguan kong counter pero pinaputukan lang ako.

"Wooo! Muntikan na yo'n..."

"Labas bata, labas!"

Teka ka nga, may dinamita nga pala ako! Magandang pang lure yon sa kalaban.

Kumuha ako ng tatlong dinamita mula sa aking inventory.

Shake to lit

Tulad ng sabi sa VS, kinalog ko ang dinamita at kusa namang sumindi.

Andali naman.

Nang masindihan ko na ito ay agad ko na itong binato sa direksyon ng Sheriff.

BBOOM! BBOOM! BBOOM!

Binunot ko ang aking dagger at dali-daling sumugod.

"Patay ka na!"

Inihagis ko sa direksyon ng Sheriff ang parehong dagger. Di ko alam kung valid bang ibato ang gano'ng weapon. Pero di bale na!

Habang may usok pa, binunot ko ang isa kong weapon, si Angel.

"Sword of Light! Meteor Shower!"

✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 1: The Phantom Cheater #RPGCertifiedWhere stories live. Discover now