Chapter 9: Trading in North District

3.8K 204 13
                                    

Zenotia City, South District
Commercial District
[ 6:00 AM ]

"Hahaha! Sorry Valk. Crystal Flower is not a mineral. Crystal lang ang pangalan niya pero isa pa din siyang bulaklak. It means, you can't forge a weapon using this flower." paliwanag sa akin ni Brenda.

Kaninang pagkagising ko dito sa shop, si Frieda ang naabutan ko. Naabutan ko siyang nagkakape kaya sinaluhan ko. Wala daw si Brenda, pagkagising niya umalis kaagad siya. May bibilhin lang daw siyang minerals para sa blacksmithing.

Pagdating ni Brenda, malugod kong iniabot sa kanya ang Crystal Flower. Pero tinawanan lang ako.

"Hindi ba pwede? Sorry naman. Wag mo naman akong tawanan." kamot ulo kong sabi sa kanya.

"Hahaha, okiee. Minerals ang ginagamit sa paggawa ng weapons. Ganon din sa armors. 'Di ako pamilyar sa mga herbs at flowers tulad nito." paliwanag niya habang nagpipigil ng tawa.

Nagtaas ng kamay si Frieda na nakaupo sa couch.

"Ako alam ko."

"Hmmm?"

"Galing ako kagabi sa North District. May mga traders doon galing sa town kaya maraming players ang nandoon ngayon."

North District, nandoon ang mga main entrance ng Zenotia Town. Nasa North District ang sentro ng kalakalan kaya madaming dumadayong Traders galing sa malapit na town. Karamihan sa mga Traders ay mga NPC pero meron din namang mga ilang players. Nasa town ding ito ang Battle Arena, Auction Hall, Event Hall, Quest Giver, City Hall, Training Hall at kung anu-ano pang may salitang "Hall".

"Sige, doon na lang ako pupunta."

Lalabas na sana ako sa pintuan ng bigla akong tawagin ni Brenda.

"Teka lang Valk, 'di ka ba muna bibili?"

"Hindi na!"

Zenotia City, North District
•Barter District
[ 6:30 AM ]

"Sinong makikipagtrade?! Elemental to Legendary?!"

"Sinong makikipagparty dyan?! Kulang kami nang isa!"

'Di ko inakala na madami palang tao dito sa North District. Hiwa-hiwalay ang mga gusali dito pero malalaki sila. Mas malaki pa sa mga gusali ng ibang distrito.

Maraming mga NPC ngayon dito. May mga dalang kabayo habang may hila-hilang mga wagon. Iba-iba sila ng kasuotan kaya sa tingin ko galing sila sa iba't-ibang town.

Napansin ko na ang Event Hall. Maraming taong labas pasok dito.

"'Di pa nga pala ako nakakapagregister."

Pumasok na ako sa dito. Walang kalaman-laman ang loob nitong hall kundi mga tao na nagpaparegister. May malaking stage sa unahan kung saan nandoon ang isang NPC.

Pumila na ako sa hulihan para magparegister sa darating na event.

Mula sa 'di kalayuan, napansin ko ang isang malaking karatula.

• • •

Bounty Hunting

Each of the participant will have a target player. You need to faint your target until his/her HP drops to 1%. When your done, you will have a new target that will be chosen by the system.

Remember:
You can also be a target, so be aware.

Location: Zenotia City, Central District
Date: April **, 2030
Time: 7:00 PM onwards

✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 1: The Phantom Cheater #RPGCertifiedWhere stories live. Discover now