Chapter 6: Frieda the Blade Dancer

4.4K 242 23
                                    

EDITED CHAPTER

Floral Paradise
[ 9:54 AM ]

• • •

Ting!

You level up!
Level 5–10

You gained:
•2,000 golds
[ ᴄᴏᴍᴍᴏɴ ] Empty Slug ×12
[ ʀᴀʀᴇ ] Gun Powder ×10
[ ʀᴀʀᴇ ] Dynamite ×2

• • •

Ting!

You learned a weapon skill.

»Divine Shield« (Shield)
—enhances the weapon with a magical shield. It will protect the weapon and the user to an incoming attack.
Duration: 10 secs
Mana cost: 40

Cooldown: 120 secs

• • •

Muli akong bumaling kay Odessa. Nakahinga na siya ng maluwag.

"Salamat Ginoo,"

"Walang anuman, teka nga pala, saan kayo pupunta ng anak mo?" Takha kong tanong.

Alam kong special AI sila, pero kahit na ganoon, meron ding nakaprogram na task nila.

"Pupunta kami sa syudad ng Zenotia, sa bahay ng aking mga magulang. Doon muna kami mamamalagi hangga't hawak pa ni Ginoong West ang bayan ng Faraday."

"Ganoon ba, sige magingat kayo."

"Tanggapin mo 'to," inilahad niya sa aking kamay ang isang maliit na gintong kahon. "'Yan ang baraha na hinahanap nila. Pakiusap, ibigay mo ito sa mayor ng Faraday. Ito na lamang ang natitirang kayamanan ng aming bayan. Sandali ito pa," inilabas niya ang isang mapa.

"Sandali may mapa na ako."

"Hindi makakatulong ang mapang hawak mo, ang mapang ito ay ang mapa ng bayan ng Faraday."

Continent Map ng lang pala tong hawak ko. Hindi nito saklaw ang mga bayan.

"Pakiusap, palayain mo ang aming bayan sa kamay ni Ginoong West at ng kanyang mga tauhan. Para sa aking anak at para na din sa aking namayapang asawa."

Sa pagbanggit niya ng salitang asawa humagulgol na siya ng iyak. Kaya pala wala siyang kasama kundi ang sanggol niya. Naiintindihan ko na ngayon ang lahat.

"'Wag kayong mag-alala, ako ang bahala." Matapang kong wika sa kanya. Pero ang totoo, hindi ko alam kung mapagtatagumpayan ko ba 'tong pagpapalaya sa bayan nila.

"Salamat Ginoo,"

Tumalikod na siya sa akin at tumakbo palabas ng Floral Paradise. Pinagmasdan ko ang kanyang pigura hanggang sa makaalis na siya.

"Grabe, hindi ko inakala na matindi din ang pinagdadaanan ng mga AI dito."

• • •

Ting!

You completed a mini quest.

Protect the Woman
★★☆☆☆

Objectives:
✓ Protect Odessa and her baby.
✓ Kill the Western Cowboy Bandits (2/2)
✓ Get the information.

Rewards:
•3, 000 golds
[ ʀᴀʀᴇ ] Faraday Town Map
[ ʟᴇɢᴇɴᴅᴀʀʏ ] Mayor West's Golden Card Deck

• • •

"Ayos! Tara na Lay!" yaya ko sa Guardian na kasama ko.

Unang araw ko pa lang dito madami na agad akong gagawin. Una, maghihigati sa Alpha. Papaslangin ko siya sa loob ng kanyang kweba.

✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 1: The Phantom Cheater #RPGCertifiedWhere stories live. Discover now