Chapter 4: Guardian of Monsters

5.2K 274 12
                                    

EDITED CHAPTER

Highland Countryside
[ 3:45 PM ]

Hawak ko ngayon ang Terentia Map at naghahanap ng magandang lugar kung saan magandang magpalevel. Masyadong malawak itong Terentia Continent. Hindi ko malaman kung nasaan ba dito ang lokasyon ko. Halos tatlong oras na akong nakatanga sa mapa, hindi ko pa rin mahanap ang kinaroroonan ko!

Bwisit!

• • •

Ting!

You learned a new ability.

»Pathfinding« (25%)
—allows you to locate and read map easily.

• • •

May lumabas na berdeng arrow sa map. Nasa open place ito malapit sa isang malaking bilog.

Teka, ito yong hinahanap ko. Ang aking lokasyon!

Ang open place na ito ay ang lokasyon ko ngayon, ang Highland Countryside. Samantalang ang malaking bilog ay ang Zenotia City.

Ayos!

Binuksan ko ang aking inventory at inilabas ang Book of Monsters. Sabi sa discription nito pwede 'tong maging Guardian. Ayon pa dito pagbibigay lang ng information ang nagagawa. Hindi pwedeng makatulong sa pakikipaglaban.

Binasa ko ang unang page kung saan nakasulat ang paraan para makapagsummon ng Guardian.

Hinawakan ko ang aklat gamit ang kaliwang kamay. Nakapatong naman ang ang kanan kong kamay sa ibabaw ng aklat.

"Guardian of the monsters, I summon you!"

Unti-unting nagliwanag ang libro hanggang sa lumiliit ang sukat nito. Dahil sa lakas ng puwersa na nanggagaling dito, nabitawan ko ang libro. Pero nanatili itong nakalutang.

Hanggang sa...

"Hello."

Napamulaga ako bigla dahil sa nilalang na nasa aking harapan. Lumabas siya mula sa libro!

Isa siyang bata na nakasuot ng malalaking baluti na kulay asul at puti, katulad ng cover ng aklat. Ang kanya namang buhok ay ginto. Bagsak ito na sumasabay sa ihip ng hangin.

Ang cute. Hahaha.

Wala siyang kahit anong armas. Walang espada o kung ano pa man. Tanging baluti lamang at...yung Book of Monsters. Hawak niya ang Book of Monsters!

"Kung ganon, ikaw pala ang Guardian of the Monsters."

"Oo ako nga, at handa akong gabayan ka sa mga halimaw na makakasalubong mo." Proud na proud niyang wika.

"Teka, ano nga palang pangalan mo? May pangalan ka ba?"

"Meron, ako si Lay."

Tama na siguro ang pagentertain sa kanya. Oras na para magpalakas. Uumpisahan ko dito sa Shadow Forest. Tsk, kailangan kong gumanti sa mga lobong 'yon.

"Teka nga? Umaga na pala! Hindi ko man lang namalayan." Inis na wika ko.

Naglakad na ako patungong Shadow Forest. Habang nakasunod naman sa akin si Lay habang nakaupo sa hangin! Nakaindian sit lamang siya habang nakacross arm. Nakasingit naman sa kanyang kili-kili ang aklat.

Kung titingnan siya ng maigi, parang pitong taon lamang siya sa tunay na mundo.

"Lay."

"Bakit?"

Psh, napakaimpormal naman nito.

"May impormasyon ka bang nalalaman tungkol sa mga halimaw ng Shadow Forest?"

✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 1: The Phantom Cheater #RPGCertifiedWhere stories live. Discover now