Chapter 14: Lay's true story

3.4K 182 5
                                    

(Chadeia on the media)
...

|South District|
(Commercial District)

Ting!

Tiara concedes defeat

You defeated Top 2

Congratulations!

You are the Top 2 of Philippine Server

"Ang galing mo tol!" papuri sa akin ni Levi sabay masahe sa aking likod.

"Naguguilty nga ako eh..." dismayado kong sabi sa kanya.

Nandito kami ngayon ni Levi sa shop ni Brenda at Frieda. Nakaupo kami sa couch habang pinaguusapan namin ang nagyari.

"Wag kang maguilty sa ginawa mo. Hahaha. Sya naman ang nagyaya."

"Kahit na ang awkward kaya ng ginawa ko."

"Anong awkward?"

Nagulat ako ng biglang lumabas mula sa workshop si Brenda. Nakasuot siya ng apron habang bitbit ang katana ni Levi na pinarepair niya.

"Alam mo Brenda, natalo si Valk si Top 2 kanina. Alam mo ang ginawa niya? Sinundot sa puwet! BWAHAHAHA!"

Napatungo na lamang ako sa hiya. Tiyak akong sinusumpa na ako ngayon ni Tiara sa ginawa ko. Wala na akoblng mukhang maiihaharap kung sakaling magkita kami.

Hahaha, may Black Mask nga pala ako. Isusuot ko na lang pag nagkita kami.

"Eh? Grabe ka Valk, di ka mapapatawad non..." pagbabanta niya.

Kanina ko lamang nalaman na magkakakilala pala sina Levi at Brenda. Lagi palang nadayo dito si Levi pero di ko na naaabutan. Bukod doon beta tester din si Brenda katulad nina Levi at T-tiara.

Tinanggap na ni Levi ang pinarepair niyang dual katana. Gusto ko din sanang magparepair kaso immortal naman si Angel. Kaya ipapaupgrade ko na lang.

Inibot ko kay Brenda ang espada ko para iupgradw kahit isang level lang. Para madagdagan ang attributes nito at lumakas ang damage. Mura lang naman ang bayad. Level 7 na ang Angel Justice ko, kaya 80,000 golds lang ang bayad para maging level 8.

Habang naghinihintay ko ang sandata ko, nagpaalam na sa akin si Levi. May gagawin pa daw siya sa totoong mundo. Sa hotel unit siya maglalogout sa nay Residential District. Binili nya daw ang unit na ito. Nagkakahalaga ng 2 diamonds. Sulit naman daw, mala 5 star hotel sa ganda.

Parang gusto ko ding bumili. May 10 nga pala akong diamonds. Higit pa sa hotel unit ang mabibili. Makakabili na ako ng bahay dito sa city.

"Hi Valk," bati sa akin ni Frieda pagpasok niya ng shop.

Frieda
Lvl. 15

Ngayon ko lang napansin na blader din siya. Kung kay Levi ay dual katana, sa kanya naman ay tatlo. Triple Wielder pala to.

Hinubad niya ang kanyang sinturon na may tatlong katanang nakasabit. Ipinatong niya ito sa lamesa bago umupo sa tabi ko.

Sa itsura niya mukha siyang pagod.

"San ka galing?" tanong ko sa kanya.

"Sa may hilaga, may tinapos akong quest..."

Kumuha ko ng bottle water sa aking inventory. Galing ang tubig na ito sa Floral Paradise. Nadiskobre ko na may maliit na talon pala doon. Napakaginhawa ng tubig.

"Ohh tubig." binuksan ko ang takip at iniabot sa kanya.

"Thanks..."

Pinagmasdan ko siya habang iniinom ang tubig. Pawis na pawis siya pati basang-basa ang kanyang bangs. Ano klaseng quest kaya ang ginawa niya?

✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 1: The Phantom Cheater #RPGCertifiedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt