Chapter 15 : Other Side

Magsimula sa umpisa
                                        

Bumaba agad ako pagkatigil na pagkatigil nya. Dahil di talaga ako papayag na di sya masermunan. I was about to nag at him when I felt his arms encircled around my waist. Di na ko nakaapuhap ng kahit ano mang salita when I found his face so near me and his lips so close to mine. Tila tumambol na naman sa sobrang kaba ang dibdib ko. What the hell is he doing? Is he gonna kiss me?!

" Drop your tantrums or I'll kiss you. Your choice, babe. " He speak right into my lips. Ramdam na ramdam ko ang hininga nya bitiw nya ng salita. Di ko magawang makapagsalita dahil magkakahalikan talaga kami pag ginalaw ko pa ang labi ko.

" Good girl. Come on. Let's get inside. " he said teasingly after he distanced himself from me. Sinamaan ko na lang sya ng tingin. Makakaganti din ako in time. Bwiset ka!

Ngayon ko lang nabigyan ng pansin kung nasaan kame ngayon. Its in a freaking restau bar! Another first time for me. Di pa ako nakakapasok sa ganyan buong buhay ko dahil unang una, hindi ko trip, pangalawa masyado na akong naging busy sa career ko. May mga after party din naman sa mga bar na naiinvite ako kada tapos ng isang event na kasama ako pero lagi kong tinatanggihan. Hindi talaga ako fan ng mga ganitong klaseng lugar eh.

" Why here of all places? Dito mo ba madalas idinedate mga babae mo? " I asked immediately pagkaupong pagkaupo namin. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Infairness to this place, it screams luxury and elegance. Even though it's a drinking place too, you can say that the people who come here acts with finesse. Di basta basta at halatang may sinasabi din sa buhay. There's also this stage for performances I guess, a dj booth, and spacious dance floor for those who wants to beat the music by hitting the floor. Actually puno na din ang bar kahit pa sabihing pahapon pa lang. May mga ilan ng umiinom at may mga ilan na ding nagsasayaw. Maingay na din ang paligid.

" Believe it or not, ikaw palang ang dinala ko dito. I don't do dates. " Tila naumid naman dila ko sa sinabi nyang yun. Should I feel privileged? Eh malamang, di nga kase normal relationship na meron kame kaya wala lang din sa kanya kung isama nya ako dito. Di ko naman sya type noh. Duh.

" Eh bakit dito mo nga naisip dalhin ako. Are you a regular here? "

" This place is mine. See the name of the bar? Florence... I named if after my Mom. See the pictures and paintings all over the place? Its her. She's the most beautiful woman I've ever known." Actually kanina ko pa nga gusto itanong sa kanya kung sino ang nasa mga painting dahil iisang mukha lang naman. And he's telling the truth, her mother is beyond the word beautiful. There's something in me telling that I want to meet her someday.

" Where is she now? I want to meet her Renz. She's lovely. " I said out of admiration.

" She's gone Cassidy. She died 3 years ago. " Renz is not looking at me when he said that but I'm certain there's a hint of sadness in his voice. Di na ako nagsalita pa. Ramdam ko naman na ayaw niyang pag-usapan.

Renz ordered the restau's specialty. And I must admit the food was amazing as well as the staffs. Yun nga lang napansin kong tila lahat sila nagugulat pag nakikita ang presensya ni Renz. Pero napapalitan din agad ng ngiti na tila ba isang malaking pribilehiyo ulit na Makita sya dito. Hmmm, he told me this place is his, pero diba sya madalas dito? Di naman ako makapagtanong dahil simula ng binanggit niya ang mother nya, di na sya umimik pa. Tahimik lang din syang kumain habang nakikinig ng live band performances.

Umorder din sya ng alak pero di naman din ako umiinom kaya hinayaan ko nalang sya. Juice nalang ang inorder ko.

Maya-maya pa, nagdilim na ang paligid dahil nakatutok lang ang spotlight sa stage. Napansin kong may bagong banda na tutugtog, but this time mas malakas ang hiyawan ng mga tao sa kanila. Mas dumami na din ang tao sa dance floor. Lahat tila nagkakagulo sa bagong tuntong na band na ang pangalan daw ay Hot Mess. Well, I can say that their band name suits them well. The 5 guy members are really hot but looks messy in their own ways. Hindi yung messy na madumi ah. Actually ang neat nga nila tingnan eh despite of their piercings, tattoos and disheveled hairs. Pinaingay nilang lalo tong bar with their first three upbeat songs. And kudos to the voice of the vocalist, its really good.

I'm A Nerd AND I'm Famous!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon