Chapter 21 |Together|

Start from the beginning
                                    

Tamo tong lalaking ito. Para akong malulusaw sa titig niya.

"Kung nakakalusaw lang ang pagtitig, malamang lusaw na ko kanina pa." Pagtataray ko sa kaniya.

Umangat lamang ang kaniyang labi at nagkibit balikat.
"Pwes, ako ulit ang bubuo sayo."

Napamaang ako sa sinabi niya.
"Hoy lalaki! Tigil-tigilan mo ko sa mga banat mong yan, babanatan kita diyan."

Kumuha ako ng dalawang baso upang ipagtimpla siya ng kape.
Habang ginagawa ko iyon ay hindi pa din maalis ang kaniyang mga titig sa akin.

Nang tignan ko siya ay inilagay niya ang kaniyang daliri sa labi at pinipigilan ang kaniyang ngisi.

Bakit naman ang gwapo nito?

"Anong klaseng banat ba ang gagawin mo? hmm.. The seductive or a violent one? Ow, I love both--"

"Vandrius!" Saway ko sa kaniya.
Parang buang tong isang to.

Sinuklian niya lamang ng halakhak ang mga sinabi ko. Napairap na lamang ako.

Ibinagsak ko sa kaniya ang kape na itinimpla ko ngunit hindi naman gaanong kalakas ito para matapon ang kape.

Ipinagdikit niya na lamang ang labi niya at tumahimik.. Saglit.

"Sungit." Nguso nito at pagmamaktol, "baka mapait ito ah." Dagdag nito at humalakhak habang humihigop ng kapeng tinimpla ko.

Matapos naming mag almusal ay nag aya siyang lumabas kami. Ayun kasi ang tanging rason niya kung bakit siya pumunta dito.

Bakit hindi na lang siya nagcall deba? Hindi yung nambubulabog pa siya ng tulog ko.
'Nagustuhan ko din naman.'

Habang nasa sasakyan kami ay nagtatalo kami kung anong gagawin namin. Hindi naman ako nakadress ngayon kaya sinuggest kong mag quantum na lang kami. Isang black shoulder top at high waisted jeans ang suot ko na pinaresan ng sneakers kung kaya't konportable ako na mag quantum.

Noong una ay ayaw niya pa dahil ang mga katulad ko daw na babae ay hindi dapat dinadala sa mga ganoong lugar ngunit nagpumilit na lamang ako at gusto ko ring pumunta doon.

Nang makarating kami sa quantum ay nagpapalit na siya ng mga tokens at ako naman ay iginala ang paningin sa lugar.

Sa totoo lang, hindi pa ako nakakapunta sa ganitong lugar. Nakikita ko lamang ito sa facebook dahil sa mga friends kong pumupunta dito. Sa Puerto Sigla kasi ay walang ganitong klaseng palaruan, kung kaya't excited na ko na makaranas na maglaro rito.

Pagkaraan ng ilang minuto'y bumalik sa pwestong kinaroroonan ko si Van dala dala ang mga tokens na ipinamalit niya.

"Are you sure about this?" He asked.

Ngumiti ako at tumango. "Sa Puerto Sigla kasi ay walang ganito kaya first time ko to."

Tumitig lamang siya sa akin at pagkaraa'y hinila niya ko sa iba't ibang laro na lalaruin.

Unang pinuntahan namin ay yung lugar kung saan sasayaw kami at pipili lang kami ng kanta na sasayawin. May flatscreen doon at may kung anong hinahawi siya sa tapat ng screen at sumusunod doon ang pinipili niya.

Nagulat ako ng iplay niya ang versace on the floor.
Ano ba tong nasa utak ng lalaking to?

Halakhak lamang ang iginawad niya sa naging reaksyon ko.

In the Shell of EmptinessWhere stories live. Discover now