Masakit na salitang iyong binitawan
Hindi mawala sa isip kong sinlaki ng buwan
Karayom na nakabaon sa aking isipan
Hindi ko maialis at makalimutanMundo ko'y iyong pinutok
Gamit ang karayom na iyong itinutok
Sa buhay kong walang saysay
Bakit mo pa ito dinamay?Buhay kong ginawa mong manika
Tinutusok ng karayom mong pighati ang dala
Karayom na kasiya-siya
Paiiyakin ka sa sakit na dulot niyaIkaw na naging karayom ng buhay ko
Bakit ko pa minahal ang tulad mo
Kung sasaktan mo palang pala ako ng ganito
At iiwang mag-isa sa aking paraiso.
ВИ ЧИТАЄТЕ
Tulang walang patutunguhan
ПоезіяAng tulang ito ay walang patutunguhan Tulad ng pag-ibig nating kaytagal ng pinaglaruan