Ilang araw na ang nagdaan,
Bugso ng damdamin ay aking pinipigilan
Nang ikaw ay 'di na masilayan,
At 'di na mahagkan.Puso ay nasasaktan
Isip ay nagugulumihanan
Pasakit ang laging dala,
Tuwing nakikita kita kasama ang iba.Landas nating dalawa'y naputol na,
Sapagkat hindi naman tayo ang para sa isa't isa
At ikaw na ang gumalaw ng kusa,
Para paghiwalayin tayo ng tadhana.Iniirog ko, paalam na
Alam kong sa piling niya'y masaya ka na
Ako na ang lalayo sa inyong dalawa
Malaya ka na.
![](https://img.wattpad.com/cover/139510042-288-k993097.jpg)
YOU ARE READING
Tulang walang patutunguhan
PoetryAng tulang ito ay walang patutunguhan Tulad ng pag-ibig nating kaytagal ng pinaglaruan