'Di ko na

45 6 1
                                    

'Di ko na maintindihan
Bakit ako pa ang piniling masaktan
Wala naman akong kasalanan
Para ang parusa'y aking masaksihan

'Di ko na kaya
Minahal naman kita ah
Bakit sinta?
Naumay ka na ba?

'Di ko na alam
Labis akong nangungulila nang ika'y nagpaalam
Lumuha ako nang 'di ko inasam-asam
At tila'y umabot sa puntong paalam

'Di ko na ininda
Ang sakit ng mga iyong kataga
Na nag-iwan sa akin ng matinding pagdududa
Bakit ikaw pa?










Ang nagdala ng lagim sa buhay kong ikaw ang bida

Tulang walang patutunguhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon