Umupo nalang sa ilalim ng puno at nagpahinga
Bilang pagsuko na ang puso mo'y hindi ko makuha
Dinama nalang ang ihip ng hangin
Tanda na ang puso mo'y 'di ko maaangkinItinaas ko ang aking puting bandera
Dahil wala naman akong mapapala
May kasintahan ka na
Ano paba ang magagawa ko diba?Minsan napapaisip ako na sayang
Na sayang ang lahat kung susukuan ko nalang
Pero wala naman akong karapatan
Mas mabuti nalang na sukuan ka kaysa ika'y masasaktanSana'y maging masaya ka
Sana'y 'di kana luluha
Sana'y mamahalin ka ng iniirog mo
Sana'y matuwa ka sa aking pagsuko.
![](https://img.wattpad.com/cover/139510042-288-k993097.jpg)
BINABASA MO ANG
Tulang walang patutunguhan
PoetryAng tulang ito ay walang patutunguhan Tulad ng pag-ibig nating kaytagal ng pinaglaruan