Sabik kang makayakap ako
Masaya ka kapag ako'y iyong kalaro
Masigla ka kapag ako'y kasama
Aking maitim na karanasa'y iyong niwalaHindi mo ako maialis sa'yong tabi
Pinapahalagahan mo ang sarili ko palagi
Hindi tulad sa iba na itatapon lang ako
At agad naman ako'y pinalitan ng bagoOo, nakita ko sa iyo ang tunay na pagmamahal
Hindi ka nagsasawang mahalin ang isang tulad ko
Ikaw na talaga ang totoong itinakda sa'kin ng Maykapal
Alindog mo'y maganda at ako'y naakit moAt dumating ang araw ng iyong pagkatanda
Tila nagbago ang ihip ng hangin at ako'y namamalik mata
Hindi kana tulad ng mapagmahal na bata
At ako'y binigay mo lang na parang wala lang sa ibaNagkamali yata ako ng iniisip
Tumulo ang luha ko at ang puso'y nagugulumihanan
Kusang nagbago ang paraisong namuo sa'king panaginip
Ika'y biglang naglaho at ako'y pinabayaanHindi ko na mahanap ang siyang itinakda
O baka wala lang talaga sa akin itinadhana
Ewan ko ba kung bakit nagkaganito
Mga bagay na aking minahal ay biglang nagbagoBumalik ang maitim na karanasan na aking iniiwasan
Wala naman akong magagawa sa aking kapalaran
Isa lang akong manika na nagbibigay kasiyahan
At sa pagdating ng araw, ako'y iiwan.
YOU ARE READING
Tulang walang patutunguhan
PoetryAng tulang ito ay walang patutunguhan Tulad ng pag-ibig nating kaytagal ng pinaglaruan