Munting Alaala

32 3 0
                                    

Mula pagkabata,
Ikaw na ang kasama
Ang dami kong alaala
Noong panahong tayo'y magkasama.

Nagsimula lahat sa larong piko
Umiyak ka dahil ika'y natalo
Ako naman ay tuwang-tuwa sa'yo
'Di ko namalayan na binato mo na pala ako.

Habulan dito, habulan doon
Hindi nagsasawa magtampisaw sa balon
Ansaya natin buong maghapon
'Di kalauna'y hinahabol na tayo ng sinturon

Umakyat tayo sa punong acacia
Kung saan nakatago ang ating lumang pitaka
Ito'y naglalaman ng mga bagay na ating nakita
Kwintas at singsing na yari sa bato galing sa isla.

Mahal, naaalala mo pa ba ito?
Ang mga alaalang kinagagalakan natin ng todo?
Ang mga alaalang ating binuo?
H-hindi na siguro.

Mas pinili mong lumisan sa ating kinagisnan
Ating alaala'y ibinaon mo na nang tuluyan
Asan na ang ipinangako natin sa ilalim ng kawayan
Tuluyan na bang inanod ng tubig sa dalampasigan?

Tulang walang patutunguhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon