Ang inang inaasikaso kana habang ika'y nasa tiyan
Ang inang araw-araw ka niyang nilulutuan
Ang inang gabi-gabi ka niyang kinukuwentuhan
Ang inang lagi kang inaalagaanIna na laging nandiyan
Ina na pwedeng sandalan
Ina na palaban
Ina na laging ikaw ang tinulunganMa, may, nay man ang tawagan
Siya pa rin ang ina na iyong pinagmulan
Sjya pa rin ang ilaw ng inyong tahanan
Siya pa rin ang babaeng espesyal sa sanlibutanAng pagmamahal ng isang ina ay hindi matutumbasan
Hindi masisindak ng kahit anong kapahamakan
Hindi maipapalit sa kahit anong kayamanan
Dahil ang pagmamahal nito ay walang katapusanKahit ako'y pasaway minsan
Hindi pa rin niya ako hinahayaan
Hindi pa rin niya ako binitawan
Hindi pa rin niya ako iniwananIna, salamat sa oras na iyong inilaan
Salamat sa pag-aaruga mong walang hanggan
Salamat sa pagiging sandalan sa oras ng kagipitan
Dahil sa'yo, ang buhay ko'y naging makabuluhan.Happy Mother's day
![](https://img.wattpad.com/cover/139510042-288-k993097.jpg)
YOU ARE READING
Tulang walang patutunguhan
PoetryAng tulang ito ay walang patutunguhan Tulad ng pag-ibig nating kaytagal ng pinaglaruan