Martyr

28 5 5
                                    

Pinilit kong maniwala sa sinasabi mo
Kahit yung ibang tao naririndi na sa'yo
Bakit ba kasi mahal kita,
Yan tuloy, nasaktan ako nang sobra.

Simula pa noong una,
Ayoko ko nang pumili ng ibang tao
Dahil sayo pa lang, ayos na ako
Wala ka ng hahanap-hanapin pa.

Yun nga, naging tayo
Naging tayo, temporaryo
Hindi  nagtagal kasi lumipat ka naman sa ibang tao
At heto ako, nakatunganga pa rin sa'yo.

Ewan ko ba ba't ang tanga ako
Nagpapakamartyr sa ngalan ng pag-ibig mo
Handang maghintay kahit may iba ka na
Handang mamatay para lang sa'yo sinta.

Bumalik ka ulit sa piling ko
Tinanggap kita kahit posibleng iwan mo ulit ako
At yun nga ang nangyari,
Pero ba't ang puso'y 'di pa rin natuto kahit ito na ang huli?

Ganyan ba ang nagagawa ng pagmamahal?
Ganyan ba ang nagagawa ng pagiging tanga ng kay tagal?
Oo, siguro nga gano'n
Ang tagal ko ng nalunod sa'yo at 'di na nakaahon.

Tulang walang patutunguhanTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang