Puso't isipan iniwang sugatan
Mga paa't kamay itinaling walang kalaban-laban
Ang taong minahal ko ng makahulugan
Siya pala ang magdudulot sa akin ng matinding karamdamanAno ba ang aking ginawang kasalanan?
Sino ba ang nag-udyok sa'yo para ako'y saktan?
Saan ba ako nagkamali aking mahal?
Kailan ba ako nawalan sa'yo ng asal?Ginawa ko naman ang lahat
Bakit pasakit pa rin ang aking buhat-buhat?
Lagi naman kitang pinoprotektahan
Bakit ako'y niloko mo naman?Mahal, ano ba ang problema?
Minahal naman kita at pinaligaya
Bakit ang kapalit nito'y isang alinlangan
Iniwan mo akong luhaan sa gitna ng daan.
![](https://img.wattpad.com/cover/139510042-288-k993097.jpg)
CITEȘTI
Tulang walang patutunguhan
PoezieAng tulang ito ay walang patutunguhan Tulad ng pag-ibig nating kaytagal ng pinaglaruan