"Kasiyahang hindi mapapalitan"

314 23 17
                                    


Noong nakita kita aking sinta
Para bang nakawala ako sa hawla
Niwala ba ang aking lumbay
Sa kagandahan mong taglay

Ang puso kong ito
Gustong magpasaiyo
Makapiling lang ang mahigpit mong yakap
At ang buhay ko'y kikislap

Minsan gusto kong magtapat
Maibahagi lang ang pagmamahal kong sapat
Makapiling kana at makasama
Sa mundo kong puno ng hiwaga

Lagi kong dinadasal na maging tayo
Sana mag katotohanan na ito
Na panain na ni kupido ang puso mo
At tayo'y magmamahalan hangang sa dulo.


Tulang walang patutunguhanWhere stories live. Discover now