Alam mo ba?

39 7 0
                                    

Alam mo ba?
Na sa tuwing ika'y pinagmamasdan,
Ang iyong kagandahan,
Ako'y namamalik-mata.

Alam mo ba?
Na simula pa nung una,
Mahal na kita,
Walang halong kalokohan sinta.

Alam mo ba?
Na sinusundan kita?
Sa kahit anumang sulok,
Mata ko'y lagi sa'yong nakatutok.

Alam mo ba?
Na ikaw ang tinitibok ng pusong ito?
Na, ikaw ang sinisigaw ng isipan ko?
  Baliw na kasi ako sa'yo diwata.

Alam mo ba?
'Di kana maalis sa buhay ko,
Naging permanente na ang pagmamahal ko sa'yo
Hindi na ito magbabago o kahit mawala.

Kaya ito ako ngayon, nasasaktan na
'Di ko maisip na may kasintahan ka na pala
Akala ko kasi tayo ang nakatadhana,
Kathang-isip lang pala.

Alam mo ba?
Hanggang ngayon, ako'y umaasa pa?
Alam kong mali,
Pero ako naman 'tong 'di mapakali.

Alam mo ba?
Na ang tanga ko pala
Alam ko namang hindi magiging tayo,
Pero ako pa rin 'tong sunud-sunuran sa'yo.

Alam mo ba?
Kung paano ito mawawala?
Ang pag-ibig ko sa'yo na nakakasakit na?
Ang kumapit sa iba na kumakapit na rin pala sa iba.

Tama na, ayoko na
Gusto ko nang kumawala
Pero, paano nga ba?
Alam mo ba?

Tulang walang patutunguhanWhere stories live. Discover now