Ibong maghapong lumilipad
Naghahanap ng kasintahang makasama
Kahit saang sulok ng mundo man mapadpad
Walang pag aalinlangan basta't ika'y kasamaSikat ng araw 'di iniinda
Mga balakid ay 'di sinama
Sa pagsasama nati'y kay saya
Paglalakbay nati'y kay gandaSulirani'y bumukadkad
Ihip ng hangi'y tinangay ka sa'king palad
Pinaglalayo tayong dalawa
Pinaparamdam na hindi tayo sa isa't isa.Hangi'y humupa
Pakpak ay ibinuka
Nagsimulang maghanap sa isla
Baka sakaling makita pa kitaUla'y bumuhos
Sakit 'di matapos-tapos
Butil ng tubig humaplos
Sa pakpak kong 'di na maigalaw ng maayosTadhana'y tutol sa atin
Lahat ginawa, upang 'di ikaw ang iibigin
Marahil hindi ikaw ang nararapat mahalin
Kaya sinuko ko nalang ang ibong akala ko'y akin.
YOU ARE READING
Tulang walang patutunguhan
PoetryAng tulang ito ay walang patutunguhan Tulad ng pag-ibig nating kaytagal ng pinaglaruan