Book Cover by
aestaetic
Effloresce a graphic portfolio
PINALITAN KO NA NG TITLE ANG 'THE DEMON'S PUPPET' WHICH IS 'THE SHADE OF A CURSE'Book Cover by
iammasteryelPhoto credit to the rightful owner
______
Natalie:
"Shhhh dito lang kayo ng kapatid mo sa basement. Mas ligtas ka dito anak." Sabi ni Ina. Nasa ibaba kami ng basement dahil papalapit na ang dilim at alam naming maghahasik nanaman ng lagim ang mga kampon ni Mr. Lionhart. Siya lang naman ang may ari ng buong Richmond.
Takot na takot kami ng kapatid kong si Julian. Magkayakap kaming dalawa habang papaakyat na si Ina at kinandado ang pinto. Walang gustong umimik saming dalawa. Ramdam ko ang pag tibok ng napakabilis ng aming mga puso. Nanlalamig ang aming mga kamay at pinagpapawisan ng malamig.
"Ate, natatakot ako. Baka kunin ka nila." Sabi ng kapatid ko. Matatakutin si Julian, ako din naman ay natatakot ngunit nilalakasan ko ang loob ko.
"Shh Julian wag kang mag isip ng kung ano. Ligtas ang ate dito, hindi ka rin pababayaan ng ate okay?" Hawak hawak ko ang magkabilang pisnge ng kapatid ko. Jillian was only 10 year old. Ako naman ay 14 year old. Bata pa ako ngunit mabilis na nagdalaga.
Walang gustong gumawa ng kahit anumang ingay saming dalawa. Maging si Ina sa itaas ay maingat at tahimik lamang. Pati ang aming pag hinga'y pinipigil makagawa ng anumang ingay dahil takot na takot kaming pasukin ng mga Henchman. Henchman ang tawag namin sa mga tagasunod sa utos ng Mafia Lord na si Lionhart.
Waring ihip lamang ng hangin sa labas ang madidinig mo. Alasingko pa lamang kasi ng hapon ay itinatago na ng lahat ang mga dalaga dahil kukunin ito ng mga Henchman para ialay sa kanilang pinuno. Ewan ko kung ano ang historya nito ngunit namulat na ako sa ganitong gawain ang mag tago. Magtago buong buhay ko.
YOU ARE READING
The Shade Of A Curse
VampireHighest rank # 1 in Vampire [06•14•18] Sa bayan ng Richmond ay tinatago ng mga kalalakihan ang mga babae. Mga dalaga na siyang kinukuha para gawing koleksyon ni David Lionhart. Ang isang walang pusong tao na kilala sa larangan ng pag patay, pag suga...