Tumango tango ako. "Okay?"

Uminom siya ng beer niya. "Don't be shy. Al kong gusto mong magtanong tungkol kay Kenshin. Go on ask me habang wala pa akong babae. Wala pa akong nakikitang babae na mapapawow ako sa laki ng boobs e."

"Ewww! Kadiri ka, Drake!"

Tumawa lang siya.

"Pero sige, first question. Nacucurious talaga ako kung paano kayo naging magkakaibigan nila Duke at Kenshin. Si Duke okay pa e kasi pareho naman kayong may pagka-playboy kaso si Kenshin."

"Lmao. Inaasahan ko na 'yang tanong mo. Well, how is it, I mean, baby palang kami magkakasama na kami. Magkakaibigan ang mga tatay namin. And it's funny but, kami ni Kenshin parehong walang nanay kaya ang mga tatay namin ang nagtulong tulong para maalagaan kami with the help of Duke's mother."

Oh, I see.

"Buti hindi nahahawa sa kalandian niyo si Kenshin 'no?"

Tumawa ulit si Drake. "You don't know him, Frey. Hindi mo alam mas wild pa sa akin 'yan."

Nanlaki ang mga mata ko. "What?! No way!"

"What? That's true. You just met his soft side. Hindi mo pa nami-meet ang wild side niya." He winked.

Naguguluhan ako sa sinabi niya. Saka hello! Parang hindi ko nga ma-imagine na si Kenshin malandi? Na may side siya na katulad nina Drake? Malabo. May napansin ako sa kaniya na minsan nagiging seryoso siya na parang nakakatakot tulad nung last time na muntik nang may mambastos sa akin pero side na malandi? Malabo talaga.

"Whatever!" I rolled my eyes.

"Anyway, si Cherrypink..."

"Oh, si biatch? Why?"

"First boyfriend niya si Duke?"

Tumango ako. "Yes! First ever boyfriend." Kung alam lang talaga nila na niloloko lang ni biatch ang kaibigan nila. Hay.

"Can i ask you something?"

"Ano 'yon?" Tanong ko kay Drake. Mukha siyang seryoso.

"What if... na-love at first sight ako sa kaibigan mo."

Napaisip pa ako saglit bago nag-sink in sa akin ang tanong niya. "Na-love at first sight ka kay biatch?" Oh my! Seryoso?

"I was just asking what if."

I arched my eyebrow. Talaga lang, ha. Mukhang tinamaan 'to kay biatch. Grabe ang ganda ni biatch. Dalawang lalaki agad. Samantalang ako, jusko isa na nga lang, saksakan pa ng pagka-inosente at himala yatang magustuhan ako.

"E, give up ka na. Nauna na ang kaibigan mo e." Tumawa ako.

"Oh, right! Damn it."

"Pero seryoso? May gusuo ka ba kay biatch?"

Umiling siya.

"Yung totoo?" Tanong ko pa.

"He's my bestfriend's girlfriend. Lmao."

"Asus! Oo na."

Napatunghay ako nang biglang may malalas na nagpatong ng bote ng alak sa mesa namin.

"Saya niyo ah."

Kumunot ang noo ko kay Kenshin. Umupo siya sa tabi ni Drake.

"Bro, iinom ka?" Tanong ni Drake kay Kenshin.

"Baka kakainin ko 'tong alak bro."

"Lmao."

Napailing nalang ako. Ang seryoso naman ni bebe boy, ano ba. Ang gwapo tuloy niyang tingnan.

TWO FACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon