Chapter 15 |Sundo|

Start from the beginning
                                    

"Susunduin kita.." Pag o-offer ni Van.
Ngayong oras ko na lamang siya ulit nakausap.

Napaigtad ako nang marinig iyon, "Naku! Hindi na, hindi na kailangan.." dahil tiyak na pag sinundo niya ko ay malalaman niya ang historya ng aking pamilya. Ang pagpapalayas sa akin sa aming sariling mansyon, ayoko nang malaman niya pa iyon. Marahil ay usap usapan ngayon sa Puerto Sigla ang nangyari sa aking ama at sa kabulastugang ginawa ng mag inang iyon sa mga trabahador.

Kinikilala kasi ang aking ama rito sa aming lugar at ganoon na lamang ang dismaya ng mga tao rito sa nangyaring balitang namatay ang aking ina dahil sa kapabayaan ng aking ama. Lalo pa't dumating ang aking madrasta at ang anak nito, mas lalong nagsiklab ang balitang nangaliwa ang aking ama.

At sa aking pagbabalik, maraming taong umaasa na makuha ko ang nararapat na para sa akin at sa aking pamilya.

"Why? Are you hiding something from me?" Mapanuri niyang tanong.

Napakunot ang aking noo at bahagyang nagulat sa biglaan niyang pagtanong.
"W-Wala! Uuwi naman ako ng safe kaya huwag na." Please. Wag ka nang magsalita pa.

Narinig ko naman ang buntong-hininga nito sa kabilang linya.
"Okay, if that's what you want, then."

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi na muli siyang nagtanong at nagpumilit pa.

Nang kinagabihan ay inasikaso ko na ang aking mga gamit. Konti lamang ito at sakto lang sa isang bag.

Naupo muna ako sa upuan na nasa labas ng kubong ito.

Kahit gabi ay nagsisilbing liwanag pa din ang buwan at bituin.

Ni hindi ko man lang nabisita ang buong Puerto Sigla. Masyadong na-okupado ang aking utak sa mga nangyari sa aking ama at sa aming mansyon. Ang pagsilip ko lamang rito ay ang panahon pa noong ako'y papunta rito.

Babalik na ko sa Maynila.

Kumpara sa Maynila, dito ay alas sais pa lamang ay masyado ng tahimik at madilim dilim na ang bawat sulok ng kabahayanan.
Sa Maynila naman, siguro kahit abutin ng madaling araw ay maingay pa din dahil sa mga tambay na umiinom pa tuwing gabi, nagkakasiyahan pa.. At hindi nawawala ang mga ingay ng mga sasakyang dumaraan pati na ang mga hiyawan at sigawan ng mga taong nagkakasiyahan o mga nag aaway. Naroon pa ang mga istraktura na hindi mapatay patay ang ilaw.

Akala ko noong unang ipinaalis ako ng aking ama papuntang Maynila ay wala na kong ideya sa magiging buhay na tatahakin ko roon. Pero sa isang taon na paglagi ko roon, namulat ako sa mas realidad na buhay.

Na kapag sa Puerto Sigla ay ang aming Pamilya ang kilala sa may matayog at asensadong pamumuhay. Right after my mother died, doon na sumiklab ang galit ko sa aking ama. Ginagawa ko ang lahat ng gusto ko, binibili ko ang lahat ng gusto ko. Dahil mayaman ako. Kami. I will act things that I want, because I'm the superior.

Pero nang mamalagi ako sa lungsod, mas naintindihan kong may mga mayayaman pa ring kumakayod para mas mapalago pa ang estado ng buhay. Araw araw may makakasalubong kang iba't ibang uri ng tao at nakapaloob doon ang iba't iba rin nilang perspektibo sa isang bagay o sitwasyon.

May rason ang pagpunta ko ng Maynila at iyon ay kung paano ko paghirapan ang buhay. Dahil nabuhay ako sa marangyang pamumuhay na hindi ko man lang inisip ang kahit maliit na katiting na ginastos ko. Dahil nasa isip ko, mayaman nga ako.

In the Shell of EmptinessWhere stories live. Discover now