" Hoy Renz, ano bang trip mo sa buhay ah?! Di ka na ba marunong mahiya? Ibaba mo na nga kase ako!" Naiinis na ako dahil kanina pa ako nagpapababa pero parang wala akong kausap! Di sya nagsasalita kahit ilang ulit ko na syang sinungitan. He's just walking straight without looking at me. I think I know where are we heading. Sa likod ng basketball gym . Pero bakit dito? Akala ko ba clinic?!
" W-Where are we going? " Di nya padin ako sinagot. I was about to ask again when I saw that there is also an elevator at the back of this building. I guess this is another way papunta sa place na pinag stay-an nya before, Sir Vince Greyson's room. Now I get it. Hindi sya dumaan sa usual route, which is inside the gym, dahil maraming makakakita. At sa huling pagkakatanda ko ay banned na sya dun. Eh bakit sya pupunta ulit?
Pagdating sa kwarto, inilapag nya lang ako sa kama pero di pa din nya ako pinapansin. His face is still serious. Umalis din sya agad pero bumalik na may dala dalang ice pack. Umupo sya sa tabi ko saka hinawakan ang mukha ko para maging magkaharap kame. Kinapa nya ang parteng tinamaan sakin kanina sa ulo. Mas lalong dumilim ang mukha nya ng maramdamang may bukol ako doon. Sunod nyang inilagay ang ice pack pero di nya man lang talaga ako tinitingnan.
" Renz, talk to me. May problema ba? Galit ka ba sakin? " nag aalala ko ng tanong. Di kase sya talaga nagsasalita! At di ako sanay na tahimik sya. Mas gusto ko yung makulit at nakakabwiset na side nya. Mas kaya ko sya pakitunguhan pag ganun.
" You're fucking hurt Cassidy. Because of me. " Tila tumigil ang mundo ko ng bigla sya humarap sa akin ng sinabi nya yun with his most apologetic eyes. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil dun bukod pa sa isang dahilan na ang lapit na naman ng mukha nya saken.
I became speechless. Dahil sa totoo lang, I never knew he has this side of him. Feel na feel ko ang sincerity ng concern nya saken. I hate to admit it but I'm kinda touched. Narealized ko kaseng kaya sya tahimik pala dahil sa sinisisi nya ang sarili nya.
" A-anu kaba, okay lang ako. Ako naman ang may kasalanan din nito. Nakialam kase ako senio ni Brix. But you cant blame me. Alam kong ako lang ang makakapigil sa inyo. Ano ba kaseng problema niyong dalawa? " kinailangan ko talaga gumawa ng mapapag-usapan dahil masyado nang awkward talaga ang nararamdaman ko. Imagine? Just the two of us inside a room while sitting on a bed and this close?! Gosh!
" That asshole keeps on pissing me off. We had a deal. Whoever loses, will never get near you again. " Napabuntung hininga ako. Ayoko ma-stress sa kanila talaga pero ang titigas ng ulo nila! Kala mo mga bata!
" That won't do Renz. Saka bakit ba gustong gusto mo lumayo saken si Brix aber? The last time I've checked, pretend relationship lang tayo. Kaya dapat tanggap mo lahat ng taong nage-exist sa buhay ko. "
Gusto kong matawa ng di sya agad nakasagot at napakamot ng ulo. Bihirang bihira ko syang makitang tila nauubusan ng isasagot.
" T-This doesn't mean anything at all Cassidy. Pakiramdam ko lang kase makakasagabal sya saten pag nagkataon. Why that bastard is like a leech to you kung makadikit. Nag-iingat lang ako. This is important for me. " Tinaasan ko lang sya nang kilay. Pinaramdam kong di ako kumbinsido sa sagot nya. Haha!
" Whatever. Sige na aalis nako. Ikaw din. Mamaya nyan pumasok pa si Sir Vince dito mahuli ka pa. Diba banned kana dito. " Tatayo na sana ako ng bigla nyang hiklatin ang kamay ko. I ended up sitting in between his laps. Napayakap din ako sa leeg nya sa sobrang pagkabigla. And his face with a playful smile again, Gosh! Sobrang lapit saken!
" We're not yet done here, babe. Gamutin mo din ako. May bukol din ako oh?." Tila batang itinuro nya ang right side ng ulo nya malapit sa noo nya. Oo nga, halata ngang nabukulan sya. Nakaramdam tuloy ako ngayon ng inis sa mga nambato kanina. Naiintindihan ko pang ako eh, kaya lang si Renz, kala ko ba idolo nila tong mokong na to.
" Oo na gagamutin na kita pero not like this! Kailangan nakaupo ako sa lap mo Renz Anderson? Ang laswa kaya. " Reklamo ko pero ang loko di padin natinag at di pa din ako pinakawalan. Yung kaba ko di pa din nawawala. Bumalik na naman kase sya sa pagiging manyak. Naku! Pwede bang yung seryosong side nalang nya ulit?
" Malaswa? Tss. You don't even know the meaning of that word. Iba kase ang malaswa para saken babe. Wanna see? "
Napalunok ako. Naginit ang magkabilang pisngi ko. Ayaw ko man pero biglang nag-flash sa isip ko ang ibig nya sabihin. Kainis! Nasa landi mode na naman tong walanghiyang to.
Umiwas ako ng tingin sa kanya saka ko kinuha ang ice pack at idiniin sa parteng nabukulan sya. Narinig ko syang napamura at nagreklamo na masakit pero wala akong pakialam. Bigla naman ako nakaramdam ng pagka-ilang dahil siguradong sigurado akong nakatitig at nakaharap sa akin ang napakalapit nyang mukha. God! Pakiramdam ko pinagpapawisan ako kahit malamig naman dito!
" Oh ayan. Tapos na. Alis na ko kaya bitawan mo na ako. " Napasinghap ako ng naramdaman ko ang biglang paghigpit ng braso nya na nakapalibot sa bewang ko. Sinubsob nya yung isang side ng mukha nya sa dibdib ko na tila ba batang naglalambing at gustong matulog sa kanlungan ko. Nasasamyo ko ngayon ang mabangong buhok nya na di yata nausuhan ng pawis.
" R-Renz... pakawalan mo na sabi ako. A-Ano bang ginagawa mo? May saltik ka na naman. Wala tayo sa labas kaya di mo kailangan magpanggap." I don't know why pero parang nahirapan akong banggitin yung salitang magpanggap. Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko sa isiping yun.
" Don't go yet babe. I told you. we're not yet done. " matigas nya pa ding sabi habang nakapikit at nakayakap pa din saken. Teka bigla yata ako naconscious kung mabango ako?! God Cassidy! Mga iniisip mo eh noh!
" Kanina ka pa not yet done ng not yet done dyan. Ano pa bang gusto mong gawin? " medyo napipikon ko ng tanong. Gusto ko na makaalis dito. Ang dami ko ng weird na nararamdaman. Nababaliw na yata ako.
Sa halip na sumagot, nagulat ako ng bigla nya akong inangat at inihiga sa kama. Babangon sana ako ng bigla nya itukod ang kamay nya sa magkabilang side ko. I am now trapped in his arms while he is on top of me and towering over me.
" This is what I want to do. " Di na ako nakatutol ng bigla nya akong halikan sa labi. Nanglalaki ang mata ko sa sobrang gulat. Ni hindi ko magawang makagalaw. Kahit ang labi ko ay tila tuod habang hinahalikan nya. I don't know how pero malakas pakiramdam kong gusto niyang laliman ang halik. Kahit ang mga kamay kong naitukod sa dibdib nya para sana itulak sya ay tila nawalan ng lakas. I am still in that state when he stopped kissing me and stared at my face.
" Respond Cassidy. I want to feel how it is to be kissed by you. " Pakiramdam ko lahat ng blush na meron ako nailabas ko na! sobrang init ng pakiramdam ko. No man has ever did this to me!
" I... I... I d-don't know h-how... " gusto kong sampalin ang sarili ko sa totoo lang dahil hindi dapat ganun ang isinagot ko! Para ko na ding sinabi na gusto ko at pumapayag ako. Wahhhh!
Nakita ko syang ngumiti bago muling nagtangkang halikan ako. I took all my courage and sanity para lang pigilan sya. Iniharang ko yung kamay ko sa labi nya kaya yun ang nahalikan nya. Sobrang lapit pa din ng labi nya sa labi ko. As in yung kamay ko lang yung nakaharang!
" R-Renz, stop this please... or else.. "
" Or else what babe? " he said in a sexy tone na ikinatayo yata lahat ng balahibo ko! Gosh! Ano bang nangyayari saken! Yung hininga nya ramdam na ramdam ng kamay kong nakaharang!
" Or else... Or else... ah basta! Tigil mo na to please. What do you want me to do para lang tumigil ka na?" I said in a almost pleading tone. Alam na alam ko naman kase na wala akong laban sa kanya pag ganito.
" Hmmm.. Actually there is one thing that you can do for me right now. For the mean time, that can make me stop. FOR THE MEAN TIME, CASSIDY. " Napalunok ako ng pinagdiinan nya pa yung for the mean time. Walanghiya talaga tong Renz na to pagdating sa mga kalandian nya eh!
" What is it then? " I said in an almost desperate tone. Para lang matapos na to at makawala na ako sa kanya. Im afraid i might end up fainting dahil parang sasabog na ako sa mga kakaibang nararamdaman ko.
" Skip all your classes and spend the whole day with me. " walang kagatol gatol nyang sabi.
" What? Are you serious?! " I exclaimed. Palibhasa hindi nya alam kung gaano saken kahalaga ang pag-aaral ko. Palibhasa sya, puro basketball lang yata ang alam nya at inaatupag nya! Gusto ko isigaw yan lahat right into his face! But what he said almost took all of my remaining sanity away.
" I am damn serious babe. Have a date with me Cassidy. "
YOU ARE READING
I'm A Nerd AND I'm Famous!
Teen FictionCassidy Victoria Moore (Irene of Red Velvet) An eighteen year old college girl living an upside down yet normal nerdy life, & at the same time, a fabulous & successful celebrity life?! How possible it can be, right?! Well, believe it or not, Cassi...
Chapter 14 : Sanity
Start from the beginning
