Chapter Sixteen

10 0 0
                                    

Kinabukasan, bumalik kami ni Camila sa ospital para dalawin siya. Katulad ng ginawa ko kagabi, si Camila na lang ang pinapasok ko sa kwarto ni Reigne. Nakakapagtaka dahil parang ayaw niya akong makita.

Ano bang nagawa ko para ipagtabuyan niya ako ng ganun kagabi? Gusto ko lang naman na tulungan siya at alalayan dahil sa kalagayan niya. Kailangan niya ng magsisilbing paa hangga't hindi pa siya gumagaling. Matagal-tagal ding gamutan 'yon sabi ng doktor. Hindi naman pwedeng si Camila na lang ang laging kumikilos diba? Masyado pang bata si Camila para sa ganun kaya dapat ako ang aalalay sa kanya. Isa pa, nagpakilala akong guardian niya. Kailangan ko yong panindigan.

"Ate, tapos na siyang kumain." pagsasalita ni Camila nang makalabas siya mula sa kwarto ni Reigne.

"Ate, gusto ka daw makausap ni Kuya Reigne." dagdag pa ni Camila.

"Hays.. Sige. Dyan ka lang ah?" sagot ko at lumakad papunta sa kwarto ni Reigne. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok.

"Ah! Bwisit!" biglang natumba si Reigne pagpasok ko. Napatakbo ako bigla.

"Reigne! Ano bang ginagawa mo?!" aalalayan ko sana siya pero tinabig niya ang kamay ko.

"Alis! Kaya ko sarili ko!" pagtataboy niya.

"Alam kong hindi mo kaya. Nandito ako para tulungan ka, Reigne."

"Hindi ko kailangan ng tulong mo! AHH! ansakit!" muli siyang napaupo sa sahig dahil hindi nagf-function ng maayos ang isa niyang binti. Mahirap din lumakad ng isang paa lang ang gamit.

Hinablot ko ang damit niya at hinawakan siya sa braso. Saka tinulungan na makaupo sa kama.
"Reigne, lalo kang mahihirapan sa ginagawa mo! Bakit ba ang init ng ulo mo sakin? Gusto ko lang naman makatulong! May masama ba doon?"

"Hindi ko kailangan ng tulong mo! Hindi ko naman hinihingi ang tulong mo!" sigaw niya.

Hindi ko alam kung bakit pero tumulo na naman ang mga luha ko. Agad ko itong pinunasan. Pansin ko ang pagtitig niya sakin.
"Reigne, kung gusto mong makalakad ulit, hayaan mong tulungan kita. Tanda mo ba yung sinabi ko sayo nung una tayong nagkita? Ako ang guardian mo. Inihabilin ka sakin ng mga magulang mo kaya kargo ko kapag nasaktan ka o kaya may nangyari sayo!" sumbat ko sa kanya.

Nanahimik lang siya at iniwas ang tingin sakin. Pinipigilan ko ang mga luha ko. Wag ka munang lumabas. Hindi pa pwede.

Pilit kong pinipigilan ang sarili kong umiyak pero hindi ko na napigilan. Ang gusto ko lang naman ang mapalagay siya sa mabuti. Ang gusto ko lang namang gawin ay tulungan siya hanggang sa makalakad siya ulit. Kasi yun ang tungkulin ko. Ang bantayan at alagaan siya. Hanggang sa mabago ang balahura niyang pag-uugali at maibalik sa dating Reigne Carlos.
Alam kong simula pa lang ito ng mga paghihirap ko. Madami pa akong pagdadaanan. Sa loob ng isang taon, pipilitin kong hindi indahin ang sakit ng damdamin ko para lang mabago ang buhay ng lalaking 'to.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at umiyak sa harap niya. Nakakahiya. Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo mula sa mata ko at saka lumabas na walang kahit ano pang salita ang lumabas sa bibig ko.

The Fallen AngelOn viuen les histories. Descobreix ara