Chapter Twenty Seven

1 0 0
                                    

Pinilit niyang ngumiti para ipakita niyang hindi siya nasasaktan.

Nanatiling tahimik ang buong paligid. Ikinumpas ni Yvette ang kamay niya at sa isang iglap, nakagapos naman si Erin sa harapan ko. Kumuha siya ng kutsilyo at nagsalita, "Bilisan mo na Erin!" sinaksak niya sa binti si Erin kaya napasigaw ito ng malakas.

Patuloy na dumadanak ang dugo sa binti ni Erin at walang tigil pumapatak naman ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi.

"Reigne, sorry. Sorry kasi nilihim ko ang totoo sayo.."

"Sorry kasi hindi ko sinabi sayo ang totoo kong misyon dito sa mundo ng mga tao. Inutusan ako ng aking ama na baguhin ang pag-uugali mo. Puro kasamaan na ang naidudulot mo dito sa lupa. Mali ang mga ginagawa mo, Reigne.." napahagulgol na siya at muli siyang sinaksak ni Yvette sa isa pa nitong binti.

"AH!"

"Gusto ko lang sabihin na, magbago ka na. Gusto kong baguhin mo na ang pag-uugali mo. Wag ka nang gagawa ng bagay na ikakasama ng loob ng mga magulang mo. Dapat magtino ka na. Malaki ka na, Reigne. Dapat alam mo na lang tama at mali.."

Sinaksak naman siya sa balikat. Kada hihinto sa pagsasalita si Erin ay sinasaksak siya sa iba't-ibang parte ng katawan.

Kusa na lang tumulo ang luha ko sa sitwasyon na kinalalagyan ni Erin. Hindi siya deserve ang masaktan. Dapat ako ang nasa sitwasyon niya!

"Tandaan mo. Kahit mawala na 'ko sa mundo, lagi pa din kitang babantayan, aalagaan. Nandito ako para sayo palagi. Hindi ako mawawala sa tabi mo. Sa loob ng ilang buwan, sana may natutunan ka sa akin. Sana maging mabuti kang tao, Reigne Carlos.."

Napahagulgol muli siya at isang saksak pa ang natamo niya.

"At huli, hindi ko alam kung paano nagsimula. Walang pasabi. Walang kung ano. Basta ko na lang itong naramdaman. Kada tititigan kita habang natutulog ka, kada lalapit ako sayo. Kada gagawin ko ang tungkulin ko bilang isang katulong o guardian mo, bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa araw-araw na nakikita kita, hindi iyon nawawala. Parang napamahal na 'ko sayo, Reigne Carlos. Alam kong mali ang umibig sa isang tulad mo pero, hindi ko napigilan."

"Siguro nga hanggang dito na lang, paalam, Reigne."

Iyon ang mga huling kataga na kanyang sinabi bago siya saksakin ni Yvette sa puso. Hindi pa nakuntento si Yvette at pinalibutan niya ng apoy si Erin.

"Magpaalam na kayo sa kanya, Camila at Reigne."

"Ate!" sigaw ni Camila habang patuloy na umiiyak.

Sigaw ito nang sigaw at umiiyak. Tinatawag ang kanyang Ate Erin.

Napakawalang kwenta ko, wala man lang akong nagawa.

"Kuya Reigne, si Ate! Wala na siya" iyak pa din ni Camila.

Boses niya lang ang nangingibabaw sa buong silid. Tawa nang tawa si Yvette sa kanyang tagumpay na nakamit.

Pinatay niya si Erin! Napakawalang hiya niya!

"Isa ka pa man ding anghel, Yvette! Napakasama mo!" sigaw ni Camila kay Yvette.

Sinampal lamang siya ng malakas ni Yvette kaya natumba ang inuupuan nito.

"Lawrence, dalhin mo na si Reigne, at uuwi na tayo sa palasyo."

"Opo, kamahalan."

Binuhat ako ni Lawrence. Hindi ko alam kung bakit. Nawalan ako ng gana na magwala at magpumiglas.

Ang nakikita ko lang ngayon ay ang unti-unting paglaho ni Erin kasabay ang isang malakas at malamig na hangin.

The Fallen AngelWhere stories live. Discover now