Chapter Fifteen

11 0 0
                                    

Pagdating namin sa ospital, nagtanong-tanong kaagad ako kung anong room number si Reigne.

"Ah miss, saan po ang room ni Mr. Reigne Carlos? Yung bagong pasyente na sinugod dito?" tanong ko doon sa nakasalubong kong nurse.

"Ah wait lang po.. Mr. Carlos.. Room 309 po."

"Salamat!" sabi ko na lang at pinuntahan na ang kwarto ni Reigne.

Sana maging maayos at ligtas siya. Hindi ko pa tapos ang misyon ko. Hindi ko pa siya nababago ng tuluyan kaya hindi siya dapat mawala muna.

Tumakbo kami ni Camila sa room 309 para tignan kung ano nang kalagayan ni Reigne. Saktong pagdating namin doon, lumabas ang doktor na tumingin kay Reigne.

"Doc.."

"Yes?"

"Kamusta po si Sir Carlos?"

"Relative ka ba niya?"

"Ah yes po."

"Hmm... Okay naman na si Mr. Carlos. Kaya nga lang, nagkaroon ng fracture ang kaliwang binti niya. Bali na din kumbaga. Matagal na gamutan ang kailangan. Aasahan kong aalagaan mo siya ng mabuti at hindi pababayaan. That's what relatives do. Mauna na ko."

"Salamat po."

Tumango lang ang doktor at naglakad na paalis. Pumasok naman kami ni Camila sa kwarto at nakita namin na gising na si Reigne. Pero mukhang masama ata ang timplada niya.

"Reigne.."

"Umalis kayo dito hindi ko kayo kailangan!" biglang sigaw niya samin. Nagulat naman ako dahil sa inasal niya. Sinabihan ko muna si Camila na lumabas.

"Reigne.. Anong nangyari?"

"Di kita kailangan! Umalis ka na!"

"Reigne ano ba? Kailangan mo ng mag-aalaga sayo ngayon. Lalo na't ganyang kalagayan mo."

"Hindi ko kailangan ng mga litanya mo! Umalis na kayo! Wag na kayo dito!" sigaw niya ulit.

Napapikit ako sa lakas ng boses niya. Hindi ko inaakalang may ganito pala siyang side. Bakas na bakas sa mukha niya ang galit. Pulang-pula siya at nakayukom ang mga kamao.

"Reigne.."

"Diba sabi ko umalis ka na? Umalis ka! Alis! Hindi kita kailangan! Mawala ka na sa buhay ko! Alis!" pagtataboy niya sakin. Kumuha pa siya ng unan at ibinato ito sa gawi ko.

Tumulo na lang bigla ang luha ko. Naaawa ako sa kanya. Hindi lang talaga niya siguro matanggap ang nangyari sa kanya kaya siya nagkakaganyan.

"Umalis ka dito!"

"Tawagin mo na lang kami kung kailangan." sabi ko at lumabas na sa kwarto niya.

Pinunasan ko muna ang luha ko bago humarap kay Camila.

"Camila tara bili tayo ng pagkain para kay Kuya Reigne mo." pagsasalita ko kay Camila.

"Umiiyak ka ate? Nadinig ko na sumisigaw si Kuya Reigne. Galit ba siya?" pagkilatis ni Camila.

"Wag mo na lang pansinin 'yon, Camila. Tara?"

Hinawakan ko siya sa wrist at lumabas kami ng ospital. Dumeretso kami sa isang malapit na grocery store at bumili ng mga pwedeng kainin ni Reigne. Pagkatapos ay bumalik na din kami kaagad.

Si Camila na lang ang pinapasok ko sa kwarto ni Reigne. Sinabihan ko din siya na sabihin kay Reigne na kainin ang mga pagkain na binili ko para sa kanya. Paniguradong lalakas siya doon. May dasal iyon ng anghel.

"Ate, umuwi na daw tayo sabi ni Kuya Reigne." sambit ni Camila paglabas niya sa kwarto.

"Naubos ba niya?"

"Oo ate."

"Mabuti kung ganon. Tara uwi na tayo." sabi ko kay Camila at umuwi na kami.

The Fallen AngelWhere stories live. Discover now