Chapter Thirteen

15 0 0
                                    

Sinunod ko naman ang sinabi ni Camila at umupo sa tabi niya. Hindi ako mapakali.

"Camila pano natin matatapos ang misyon kung wala si Reigne? Hindi pa tayo tapos. Hindi pa natin siya tuluyang nagbabago. Balahura pa din gaya ng dati."

"Ate, kumalma ka nga muna. Paano ka makakapag-isip ng maayos kung kaba at takot ang pinapa-iral mo. Calm down and think positive. Hindi naman agad mamamatay si Kuya Reigne. Masamang damo 'yon."

"Sabagay... Pero kasi. Kailangan talaga natin siyang hanapin. Baka kung ano nang nangyari sa kanya!"

Nagulat si Camila dahil sa biglaan kong pagsigaw. Napatakip ako ng bibig.

"Sorry." napaupo na lang ako sa sahig. Kailangan na talagang umuwi ni Reigne.

Maya-maya pa, biglang bumukas ang pinto ng guest room at iniluwa nito si Reigne. Bigla siyang bumagsak.

"Reigne! Camila tulungan mo ko!" inalalayan ko si Reigne na makahiga sa kama.

Pawis na pawis ito at amoy alak.
Napabuntong hininga ako. Bisyo.

"Camila kumuha ka ng plangganang may tubig saka bimpo." utos ko kay Camila at saka ito lumabas ng kwarto.

Tinignan ko si Reigne. Pulang-pula siya. Pawis na pawis at parang dinaanan ng bagyo.

"Hayst Reigne ano bang nangyayari sayo? Akala ko ba babalik ka na sa dati? Ano na bang gagawin ko sayo, Reigne."

Sana lang narinig niya ang mga sinabi ko. Baka sakaling, mapagtanto niya na kailangan niya nang magbago.

Dumating si Camila dala ang plangganang may tubig at bimpo. Agad kong pinunasan ang katawan ni Reigne.

"Ate Erin, hindi mo ba bibihisan si kuya reigne?"

Biglang nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi ng matabil na dila ng batang 'to. Pano ko siya bibihisan?

"Tatanggalan ko lang siguro siya ng pang-itaas at pupunasan ang likuran. Labas ka muna Camila." tumakbo naman palabas si Camila.

Napalunok ako at sumampa sa kama kung saan nakahiga si Reigne. Inalalayan ko siya para makaupo at sinimulang h-hubaran ng pang-itaas.

Pakiramdam ko pulang-pula ang mukha ko nito. Ramdam ko din na nag-iinit ito. Ano ba 'to?!
Pinunasan ko ng tuyong bimpo ang likod ni Reigne. Pagkatapos at sinuotan ko siya ng damit. Bababa na sana ako ng kama nang bigla siyang umunat at saka ako hinila papalapit sa kanya. Napasubsob tuloy ako sa dibdib niya.

"R-reigne.."

"Please don't leave. Let me hug you for a while." pagsasalita niya.
Mas humigpit ang yakap niya sa akin. Hinayaan ko na lang siya na yakapin ako.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa mga bisig niya.

....

The Fallen AngelWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu