Chapter Eleven

12 0 0
                                    

Kitang-kita namin ni Camila kung anong hirap ang pinag-dadaanan ni Reigne ngayon. Nagbago lang pala ang pag-uugali niya magmula noong namatay ang mga magulang niya.

Siguro nga ganun ang mga tao, 'no? Kapag may nawala sa kanilang importanteng bagay o tao na naging parte na ng buhay nila, magbabago at magbabago sila. Babaguhin nila ang ugali nila at hindi na gagawin ang mga bagay na ginagawa nila noong nandoon pa ang mahahalagang parte ng buhay nila. Hayst.

Pero tila nabuhayan ako ng dugo nang marinig ko ang mga huling katagang sinabi ni Reigne. Dito na ba nagtatapos ang paghihirap ko? Makakabalik na ba ako sa langit? Tapos ko na ba ang misyon ko?

"Hindi pa tapos, Ate Erin." pagsasalita ni Camila sa gilid ko.

"Marami pang pwedeng mangyari. Marami pang mababago. Marami pa tayong haharaping pagsubok. At darating din ang oras na kailangan nating sabihin sa kanya ang kung anong klaseng mga nilalang tayo. At sa tingin ko ate, mahihirapan tayong ipaintindi 'yon sa kanya. Hindi pa tapos ang misyon, ate Erin." malamig na pagsasalita ni Camila.

Napahinga ako ng malalim. Hindi pa pala tapos ang kalbaryo namin dito sa lupa.

"Sana matapos na 'to, Camila. Nakakapagod na din mag-isip." tinignan na lang namin si Reigne habang patuloy na umiiyak.

.....

Hapon na nang mapagdesisyunan naming dumaan muna sa mall para kumain. Pumunta kami sa isang japanese restaurant. Tahimik lang kaming kumakain at mukhang walang gustong umimik ni isa sa amin. Siguro busy lang sa pagkain kaya hindi nagpapansinan?

"So tell me Kuya Reigne, kelan ang kasal niyo ni ate?" biglang tanong ni Camila.

Bigla akong napatigil sa pag-iisip at napatingin sa kanya. Dinig ko ang mahinang pagtawa ni Reigne sa tabi ko.

"We're not going to marry each other, baby. We're just friends." nakangiting sagot ni Reigne.

"Oh, i thought you're going to marry." yun na lang ang nasabi ni Camila at bumalik na sa pagkain niya.

Jusmeyo ang dila ng batang 'to. Napakatabil ng dila.

"But if you want to, me and your ate Erin are going to marry each other soon."

Napaawang ang bibig ko at gulat na tumingin sa kanya. Damn Carlos!

"Just kidding." sabi niya at tumawa pa.

Jusko.

Tinapos na lang namin ang kinakain namin at umuwi na sa bahay.

.....

"Good night girls." pagsasalita ni Reigne at pumasok na sa kwarto niya. Pumasok na din kaming dalawa ni Camila sa kwarto at pabulong na nag-usap.

"Ate Erin, kahit papaano may improvement sa ugali ni Kuya Reigne. Pansin ko nagiging sweet na siya ngayon." pambungad ni Camila.

"Yeah right. Sana magtuloy-tuloy na yun." sabi ko na lang.

"It will." sagot ni Camila.

The Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon