Chapter One

50 2 0
                                    

Marami akong naririnig na bulungan. Totoo ngang nasa earth na ko.

Matagal ko nang pinagmamasdan ang earth. Mga taong bumubuo dito, mga tanawin, lupain, katubigan, etc.

"Ah, miss? Pwede po bang tumayo na kayo dyan? Nakakaabala kayo sa trapiko." sabi ng isang lalaking tinig.

Napabalikwas ako. Kitang-kita ko ang mga sasakyan na pila-pila at ang mga maiinit na ulo ng mga driver ng sasakyan na ito.

"Pasensya na po." sabi ko at pumunta na sa gilid ng kalsada. Pinag-pagan ko ang damit kong puti na sobrang haba. Nagmasid-masid pa ako at saka naglakad patungo kung saan.

Saan ko naman kaya makikita ang balahurang lalaking yon? Saka, pasakit ng ulo si Papa. Sa gitna ng kalasada ba naman ako ilagay? Jusmeyo.

Sa paglalakad ko, nakakita ako ng mga lalaking nagtatakbuhan. Tapos may sumisigaw ng 'magnanakaw' daw. Pasimple akong pumagitna sa daan at nang dumaan yung lalaki, pinatid ko.

"Hulihin niyo yan!" sabi nung matandang babae sa lalaki. Napalingon ako doon sa lalaking pinosasan at napatingin din siya sakin.

Teka lang, siya yun! Siya yung lalaki!

"Ah, sir wait lang po!" paghabol ko doon sa mga pulis na dala-dala si Reigne. Yung lalaki.

"Bakit miss?"

"Ah, pede niyo po ba siyang pakawalan?"

"Bakit naman? Kailangan siyang ikulong. Gumawa siya ng krimen."

"Ah, magkano po bang halaga para makalaya siya?"

"Mga 20,000 piso."

May kinuha ako saglit sa bulsa ng puting damit ko.

"Ito po. Hindi pa po ba sapat?" nag-abot ako ng isang maliit na gold bar doon sa mga pulis. Binigyan ako niyan ni Papa dahil kailangan ko daw yan.

Napatulala naman ang mga pulis pati na din yung lalaki dahil sa gold bar na nilabas ko.

"Sige miss, sapat na yan. Ito na ang kailangan mo."

Sabay tulak nila sa lalaki at umalis na sila.

"Teka, sino ka ba?" tanong noong lalaki.

"Saan ang bahay mo?"

"You don't need to know."

"Saan nga?"

Hindi siya sumagot. Naglabas ako ng maliit na kutsilyo.

"Okay fine. I'll take you to our house."

Sabi niya at nag-teleport kami.

......

"Dito ang bahay mong balahura ka? Seryoso?" paninigurado ko kay Reigne. Ang ganda ng bahay nila. Pero bakit nang-i-snatch pa siya? Mayaman naman sila.

"Dadalhin ba kita dito kung hindi namin 'to bahay?" pamimilosopo niya.

"Nasaan ang parents mo?"

"They're gone. Limang taon na ang nakakalipas. Teka nga, ano ba talaga kailangan mo sakin? Bakit bigla ka na lang lumitaw sa buhay ko?"

Napalunok ako. Iisipin ko kung ano ang idadahilan ko. Sa tingin, ko, hindi siya maniniwala kung sasabihin ko ang totoo. Papa, sorry pero kailangan ko muna magsinungaling ngayon.

"Ako ang magiging guardian mo, Reigne. Inutusan ako ng mga magulang mo noong nabubuhay pa sila na bantayan kita kapag nawala sila. Kaya, nandito ako. At babaguhin ko din yang basura mong pag-uugali." sabi ko.

Natawa siya, "Guardian? No need. I can handle myself. Besides, malaki na 'ko, hindi na ko bata. I'm contented making fun of other people. What's wrong with that?" tanong niya.

"Anong mali? Gumagawa ka ng krimen, Reigne."

"Who are you? Bakit mo ko kilala?"

"I'm Erin Montero. And I will be your guardian for the whole year."

The Fallen AngelWhere stories live. Discover now