Chapter Ten

13 0 0
                                    

Habang nasa kwarto ako, iniisip ko ba kung dadalawin ko sina mama at papa bukas. Death anniversary pala nila kaya dapat pumunta.

Sa nakaraang limang taon, puro pagmumukmok ang ginagawa ko sa tuwing sumasapit ang nakakalungkot na araw na 'to. Nagkukulong lang ako sa kwarto. Hindi lalabas ng buong isang araw at hindi din kakain. Iiyak lang ako buong magdamag.

Hindi ko pa din kasi matanggap na nawala ang mga magulang ko ng ganun kaaga. Ni hindi man lang sila umabot na mag-debut ako. Iniwan na nila akong mag-isa at walang karamay sa buhay. Tanging si Uncle lang ang karamay ko.

Inayos ko ang sarili ko at bumaba na. Hinanap ko ang magpinsan at nakita ko sila sa garden na nag-uusap. Sa mga itsura nila, mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Hindi ko na lang 'yon pinansin at lumapit sa kanila.

"Hi girls." panimula ako. Tumingin naman sila sakin at natigil ang seryoso nilang usapan. Ngumiti sakin si Camila pero si Erin, nag-iwas lang ng tingin.

"Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo ah. Wanna share it with me?"

Umiling si Camila. I just smiled. Iniba ko na lang ang usapan.

"By the way, death anniversary ng parents ko tomorrow. Gusto ko sana silang bisitahin. Okay lang ba kung samahan niyo ako?" pag-aanyaya ko sa kanila.

"Sure." sagot naman ni Erin.

Ngumiti naman ako. Buti na lang napapayag ko siyang sumama sakin bukas.

.......

"Tara na?" pag-aanyaya ko sa magpinsan.

Sumakay na kami sa kotse at mabilis ko itong pinaandar. Nakatanaw mula sa malayo si Erin habang naka-kandong naman si Camila sa kanya na natutulog.

Nagmumukha kaming isang pamilya sa itsura namin. Aish! Ano ba 'tong iniisip ko?

Napailing na lang ako sa kawalan.

Walang nagsasalita sa amin. Huminto muna ako sa isang flower shop para bumili ng bulaklak na ilalagay ko sa puntod ng mga magulang ko. Matagal na din siguro nung huli kong gawin 'to sa kanila.

.....

"Nandito na tayo." pagsasalita ko.
Bumaba kami mula sa sasakyan at naglakad papunta sa puntod nina mom at dad. Nagsindi ako ng kandila at itinirik sa puntod nila. Nilagay ko din ang bulaklak na binili ko para sa kanila.

Matagal din akong nakatitig sa puntod nila bago magsalita, "Mom, Dad. Anim na taon na pala ang lumipas..." panimula ko. Ramdam kong tumulo ang luha ko, "Anim na taon na pala simula nung iniwan niyo akong mag-isa. Iniwan niyo akong wala pang kamuwang-muwang sa mundo. Pero hindi ko kayo masisisi. Oras niyo na e, hindi na yun mapipigil." pinunasan ko ang mga luha kong nag-uunahan sa pagtulo, "Mom, Dad, sorry kung sa nakalipas na limang taon, puro krimen at kasamaan ang ginawa ko. Hindi ko lang kasi matanggap na nawala na kayo. Gusto ko pang iparamdam sa inyo kung gaano ko kayo kamahal, gusto ko pa kayong makasama hanggang sa pagtanda pero naging imposible ang mga iyon, anim na taon na ang nakakalipas." patuloy pa din ako sa pag-iyak.

Siguro nga ito na ang tamang oras para sabihin ko ang mga kataga na gustong marinig ng mga magulang ko.

"Mom, Dad. Magbabago na ako. Ibabalik ko na ang dating Reigne Carlos na kilala niyo."

The Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon