Chapter Seventeen

10 0 0
                                    

Napasabunot ako sa sarili ko pagkalabas ni Erin. Ano ba naman 'tong nangyayari sakin?! Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit ano nagkakaganito!

Inis akong humiga sa kama at dahan-dahan na inilapat ang mga paa ko sa hospital bed. Malambot ang kama kaya naman hindi ako gaanong nakakaramdam ng kirot.

Kanina, nung sinubukan kong maglakad, natumba ako. Hindi ako makalakad. Naiinis ako dahil ilang buwan akong tengga sa higaan at puro sila ang gumagawa. Hindi naman pwede 'yon. Pakiramdam ko, wala akong silbi.

Ako naman ang may kasalanan ng nangyari sakin. Sukat nag-drive ba naman ako ng lasing at hindi ko napansin na may ilog pala dito sa subdivision at doon na ako nalaglag.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang may pumasok. Si Camila pala. May dala siyang tray kung saan nakalagay ang mga kakainin ko.

"Kuya, kain ka na po." pagsasalita niya.

"Kuya, lumabas si ate kanina tas umiyak. Nag-away po ba kayo?" tanong niya. Napahinto naman ako sa tinanong ni Camila.

"U-uhm hindi. Nag-usap lang kami at umiyak siya." pagpapalusot ko.

Hindi ko pwedeng sabihin na nag-away kami. Baka pagalitan ako ng batang 'to.

"Kuya, gusto ka lang namin tulungan ni Ate Erin. Naaawa kasi siya sayo dahil dyan sa nangyari. Tapos, hindi ka pa makalakad. Sigurado ako Kuya, kapag nagsawa nang tumulong sayo si Ate Erin, baka pabayaan ka na niya. Tas wala nang mag-aalaga sayo. Lalo kang mahihirapan, Kuya. Ubusin mo na yang kinakain mo Kuya. Get well." sabi niya pa.

Ang advance mag-isip ng batang 'to. Para siyang matanda kung makipag-usap sakin. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at lumabas na siya sa kwarto ko.

Kinuha ko naman ang remote ng tv at binuksan ang tv na nasa harapan ko. Nakakainip din dito sa ospital. Pinindot-pindot ko ang remote at naghanap ng magandang palabas mula sa tv. 

Lumipas ang ilang oras at wala pa din akong mahanap na matinong palabas. Kaya pinatay ko na lang ang tv at humiga sa higaan ko.

Nasa ganun akong posisyon nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Erin. May dala siyang supot at tubig. Lumapit siya sakin at nagsalita, "Inumin mo yang gamot na yan para dyan sa binti mo. Saka itong isang 'to vitamins 'to kaya kailangan mong uminom. Magpahinga ka pagkatapos." inilapag niya yung dala niya sa side table katabi ng hospital bed. At lumabas na siya.

Mukhang galit sakin si Erin dahil sa ginawa ko sa kanya.

Sinunod ko na lang ang sinabi niya at nagpahinga. Nakakaburyong talaga dito sa ospital. wala akong magawa. 

The Fallen AngelWhere stories live. Discover now