PROLOGUE

69 4 0
                                    

"Erin, ikaw ang napili ko para ipadala sa lupa at baguhin ang ugali ng lalaking ito."

"Po? Pero, hindi ko pa po yata kaya. Mahirap pong baguhin ang buhay ng isang balahurang tao. Lalo na't hindi ko alam ang buo niyang pagkatao. Hindi ko po alam kung saan magsisimula."

"Magagawa mo ang misyon na ito, anak. Magtiwala ka lamang sa iyong sarili."

Napayuko na lang ako at hiniling na sana, makayanan ko ang pagsubok.

"Sa loob ng isang taon, kailangan mong baguhin ang kanyang pag-uugali. Kundi, mananatili kang isang mortal at hindi na muli pang makakabalik dito sa langit."

Nabigla ako sa kanyang sinabi.

"Saglit lang po—"

"Today is January 1, 2018. Simulan mo nang baguhin ang pag-uugali ng balahurang 'yon."

Bigla na lang dumilim ang paningin ko at nawalan ng malay.

The Fallen AngelKde žijí příběhy. Začni objevovat