Chapter Eight

19 0 0
                                    

"Let's go?" pagsasalita ni Reigne habang pababa ng hagdan.

Naka business attire siya at inaayos pa ang pulang neck tie niya. Umaygashh. Bakit ang gwapo ni Reigne?! Feeling ko nag-s-slow motion ang paligid. Ramdam kong uminit ang pisngi ko. Ano ba 'tong iniisip ko?!

"Ate Erin." sinapo ni Camila ang noo ko.

"Ha?"

"Natulala ka dyan? Let's go na daw." sabi ni Camila at nauna nang lumabas ng bahay.

Pupunta daw kami ngayon sa opisina ng uncle ni Reigne sa kompanya nila. Myghad. Bakit ba ako biglang kinakabahan?

Sumunod na ako kay Camila at pumasok na sa kotse. Tumabi ako sa kanya pero sinamaan niya ako ng tingin.

"Bakit?"

"Wag ka tumabi sakin, ate. Bilang boyfriend ni kuya Reigne, doon ka dapat sa passenger seat."

Napaawang ang bibig ko. Ano daw?! Boyfriend?!

"Hindi ko siya boyfriend, Camila!" pagtutol ko.

"Hahahaha.. Come on here, Erin. Umupo ka sa tabi ko." Biglang pagsasalita ni Reigne habang natatawa at nakangisi.

Pinagkakaisahan ba ako ng mga 'to?!

Wala na akong ibang nagawa kundi lumipat sa passenger seat at umalis na kami.

.....

Nakarating na kami sa kompanya nina Reigne. Hanggang ngayon, kinakabahan pa din ako at hindi ko alam kung bakit.

Bumaba na kami ng kotse at sinalubong kami ng mga body guards ni Reigne. Ang yaman talaga ng balahurang 'to.

Pagpasok namin sa building, nagtinginan kaagad ang mga empleyado at bumati kay Reigne. May mga empleyadong tinatawag siyang 'SIR'. Halatang mataas ang paggalang nila sa balahurang sinusundan namin ni Camila ngayon.

Sumakay kami ng elevator at pinindot ni Reigne ang 15th floor. Nalula naman ako doon.

"Ate Erin, kanina ka pa tahimik ah." biglang pagsasalita ni Camila sa gitna ng katahimikan.

"Ah? Mwehehehe." yun na lang nasabi ko.

Narinig ko namang tumawa silang dalawa. Napasimangot ako. Mukha siguro akong tanga sa kinilos ko.

Tumunog ang elevator at lumabas na kami mula dito. Hinawakan ko ang wrist ni Camila dahil baka maglikot ito. Baka makabasag pa ng kung ano.

"Dito tayo." binuksan ni Reigne ang isang glass door at tumambad sa amin ang isang napakagandang opisina. May nakita kami doong isang matandang lalaki na mukhang nasa 70+ na ang edad. Mukhang ito ang uncle ni Reigne.

"Uncle." pagsasalita ni Reigne at lumapit sa uncle niya.

Tila nagliwanag naman ang mukha ng uncle niya. Tumayo ito at sinalubong ng yakap si Reigne.
"Napadalaw ka, Reigne." sabi nito at umupo. Bigla itong tumingin sakin at ngumiti, "Have a sit, hija. You must be?"

"Erin Montero. Ito naman po si Camila Francisco. Pinsan ko po." sabi ko at ngumiti.

Gumanti siya ng ngiti bago nagsalita, "Girlfriend ka ni Reigne, hija?" tanong niya.

"Ayy. Hindi po."

"Oh, bagay kayo ng pamangkin kong si Reigne. Mabait naman si Reigne at isa pa, gwapo. Ahahaha.." sabi niya.

Natawa na lang ako sa sinabi ng uncle ni Reigne. Mabait daw? HAHAHAHA. Kung alam niyo lang po, balahura ang batang 'yan. Jusko.

"Reigne, anong meron at naisipan mong pumunta dito?" tanong ng uncle ni Reigne sa kanya.

"I just want to visit you, uncle. It's been a long time since i visited here. There are a lot of changes here, uncle."

The Fallen AngelWhere stories live. Discover now