Chapter Fourteen

12 0 0
                                    

Nagising ako kinabukasan na wala na si Reigne sa tabi ko. Na naman. Nasaan na naman siya?

Tumayo na ako at inayos ang higaan. Paglabas ko ng kwarto, naabutan kong kumakain si Camila. Mag-isa. Umupo ako sa harap niya at nagtanong.

"Camila, nakita mo si Reigne?"

"Nakita ko siya kanina bandang alas singko ng umaga. Umalis at nagmamadali. Hahabulin ko sana siya pero mabilis niyang napaandar ang sasakyan niya paglabas ko." pagkukwento niya sakin.

Nako, saan na naman kaya pupunta ang isang 'yon? Sumasakit na ulo ko sa kanya.

"Anak." nadinig ko ang boses ni Papa.

Nakita namin siya ni Camila na nakaupo din kaharap namin. Umayos ako ng upo at nakinig sa mga sasabihin niya.

"Erin, binabalaan ko kayo. Hangga't maaga, hanapin niyo si Reigne. Hindi na pwede pang tumagal ang paghahanap sa kanya. Kapag nahanap niyo siya, pauwiin niyo agad." litanya ni Papa.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "Bakit po? Anong meron?"

"Basta anak. Bantayan niyo ng maigi si Reigne. Mag-iingat din kayo ni Camila dito. Mauuna na ko." huli niyang sinabi bago tuluyang mawala sa paningin namin.

"Panganib." sambit ni Camila at nagpatuloy sa pagkain.

"Sana naman walang mangyaring masama sa lalaking 'yon." sabi ko na lang at napahawak sa sintido ko.

Talagang sumasakit ang ulo ko sa lalaking 'yon. Aalis ng walang paalam. Ang kinababahala ko ay yung sinabi ni Papa. Paano kung mangyari nga ang panganib na 'yon? Anong gagawin ko? Jusmeyo. Di ko na kaya 'to.

"Kaya mo yan 'te. Ikaw pa." napatingin ako kay Camila sa sinabi niya. Umiling na lang ako pagkatapos.

......

Lumipas ang isang buwan na hindi nagpapakita sa amin si Reigne. Hindi siya umuuwi at nag-aalala ako ng sobra. Baka nangyari na nga ang panganib na sinasabi sa amin ni Papa noong nakaraan.

Lumabas ako ng bahay para mag-ikot ikot sa subdivision. Baka sakaling pagala-gala lang ang lalaking 'yon dito. Nagpatuloy ako sa paglalakad, baka makita ko siya dito at papauwiin ko kaagad.

Habang naglalakad, nakita ko ang kumpulan ng tao na parang may tinitignan sa ilog. Lumapit naman ako at nadinig ko ang bulungan ng mga kapitbahay.

"Diba siya yung anak ni Mr. Carlos?"

"Oo. Grabe nakakaawa ang batang 'to."

"Kawawang bata. Sino kaya ang gumawa niyan sa kanya?"

Nagulat ako nang may bumanggit sa apelyido ni Reigne. Mr. Carlos?! Dali-dali akong tumakbo papunta sa harap para makita kung ano yung tinitignan nila. Hindi nga ako nagkamali. Si Reigne!

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at agad na tumalon sa tubig. Umahon ako at kinuha ang katawan ni Reigne. Ito na nga ba ang sinasabi ni Papa na panganib.

"Reigne gumising ka! Reigne!" panggigising ko sa kanya.

Puro dugo ang ulo ni Reigne. Namumutla na din siya at parang wala nang buhay. Pinakinggan ko ang dibdib niya. Laking pasasalamat ko nang narinig ko ang tibok ng puso niya.

Maya-maya pa, dumating ang mga rescuers at dinala na si Reigne sa pinakamalapit na ospital.

Umuwi muna ako sa bahay para sunduin si Camila at pagkatapos ay sumunod na din sa ospital kung nasaan si Reigne.

The Fallen AngelWhere stories live. Discover now