Chapter Nine

16 0 0
                                    

Nag-usap pa tungkol sa kung ano-ano sila Reigne at Uncle Christopher.

Pauwi na sana kami nang bigla akong tawagin ni Uncle Christopher para kausapin.

"Labas na kami ni Camila, uncle. See you again." sambit ni Reigne.

Tumango at ngumiti lang si Uncle Christopher bilang sagot.

Lumabas na sila ni Camila at naiwan ako sa loob. Tumingin ako kay Uncle Christopher at nakangiti pa din siya sakin.

"Hija, do everything para mabago mo si Reigne. Alam kong kayang-kaya mong baguhin ang pamangkin ko. Alam ko na puro kalokohan ang pamangkin kong 'yon kaya please hija, do everything para bumalik siya sa dating Reigne Carlos. Alam kong kaya mo yan." pagmamakaawa ni Uncle Christopher.

Ramdam ko ang tiwala ni Uncle Christopher sakin dahil sa mga salitang sinabi niya. Napabuntong-hininga ako bago sumagot, "Opo. I'll do everything." sabi ko at ngumiti.

I promise na babaguhin ko ang balahurang pag-uugali ni Reigne. Ibabalik ko ang Reigne Carlos na kilala ng Uncle Christopher niya.

.......

Paglabas ko ng office ni Uncle Christopher, nakita ko si Reigne na buhat-buhat si Camila. Mukhang nakatulog na ata.

"She fall asleep kaya binuhat ko na siya. Let's go home."

Sumabay ako sa paglalakad kay Reigne. Maya-maya, nagulat ako dahil biglang nilagay ni Reigne ang kamay niya sa balikat ko. Lumalabas tuloy na parang nakaabay siya sakin. Tumingin ako sa kanya at bigla lang naman siyang ngumiti.

Feeling ko namula ang buong mukha ko. Hindi ko na lang siya pinansin at hinayaan na lang na akbayan niya ako.

Nang makarating kami sa sasakyan, kinuha ko si Camila kay Reigne, "Pasensya ka na sa kanya."

"It's okay." matipid naman na sabi ni Reigne at ngumiti na lang.
Pinasok ko na si Camila sa back seat at sumunod na din ako. Sunod naman na sumakay si Reigne at pinaandar na ni Reigne ang sasakyan at umuwi na kami.

........

"Camila." tinawag ko si Camila.

Kasalukuyan siyang naglalaro sa hardin.

"Bakit ate?"

Umupo ako sa tabi niya bago nagsalita, "May sinabi sakin ang Uncle ni Reigne."

"Ano naman yun ate?"

"Nagmakaawa siya sakin na baguhin at ibalik ang dating Reigne Carlos. At pinangako ko sa kanya na gagawin ko ang bagay na 'yon. Pero hindi ko alam kung ano ang gagawin ko." napayuko ako.

I can't believe na sa pitong taong gulang na bata pa ako manghihingi ng tulong gayong ako ang mas nakakatanda sa kanya. Jusko naman.

"Uhm, i think kailangan mong ipaintindi sa kanya ang mga tama at mali. Kailangan niyang ma-realize ang mga pagkakamali niya sa loob ng limang taon na pagkawala ng mga magulang niya. Kapag nangyari yun ate, saka mo naman ituro sa kanya ang mga bagay na dapat ginagawa niya sa ganyang edad. Hindi na dapat basta-basta lang. Sa panahon ngayon, hindi na biro ang ganyang edad niya. Malapit na siya sa edad na dapat iniisip ang para sa future niya. Hindi 'yong nangbu-bully pa siya na parang bata. Immature lang?"

Napangiti ako sa sagot ng batang 'to. Kahit matabil ang dila ng batang 'to, nakakatulong din naman pala.

The Fallen AngelWhere stories live. Discover now