Chapter Nineteen

10 0 0
                                    

"Bakit ka nandito?" masungit niyang tanong.

Nanatili akong tahimik at pinapakiramdaman kung may sasabihin pa siya. Pero mukhang wala na kaya, nagsimula na akong magsalita.

"Reigne, nandito ako para kausapin ka. Please, listen." pambungad ko.

"Make it fast. Gusto ko mapag-isa."

"Reigne, please let me help you. Wala kang ibang makakaramay sa mga oras na 'to. Wag ka mag-alala. Hindi ako hihingi ng kahit na anong kapalit kapag tumutulong. Atsaka, please. Tulungan mo din ang sarili mong makabangon at makapaglakad ulit. Wag mong isipin na wala kang silbi dahil sa nagkaganyan ka. Hindi mo ginusto ang nangyari kaya wag mong sisihin ang sarili mo. Please lang, intindihin mo mga sinasabi ko."

Lumingon siya sakin, "I don't need your words of wisdom. Kung kagagalitan mo lang ako dahil sa nangyari, pwes, wag ka na magpapakita sakin."

"I'm not mad at you. I'm just giving you hope. Alam ko naman na gagaling ka pa. Ang sa akin lang naman, wag mo namang iparamdam na parang ayaw mo ng tulong kasi iyon ang kailangan mo sa mga oras na 'to." hindi ko alam pero nagbagsakan na lang bigla ang mga luha ko. Na naman. Agad ko itong pinunasan pero hindi ito tumitigil.

"May idudugtong ka pa?"

"Oo," huminga muna ako ng malalim, "Please, Reigne Carlos. Baguhin mo na ang sarili mo. Please bring back the old you. Yung dating Reigne Carlos na masayahin, mabait at matino. Kasi, Reigne, ako ang nahihirapan. Kung pwede ko lang sabihin ang totoong dahilan kung bakit ako naririto at biglang sumulpot sa buhay mo, I'll do it. Kaso alam ko naman na hindi ka maniniwala."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Magpahinga ka na, Carlos." sambit ko at saka nagmadaling lumabas ng kwarto ni Reigne. Napahagulgol na ko paglabas.

Sana lang itatak niya sa isip niya ang mga sinabi ko. Kundi kokonyatan ko na talaga ang balahurang 'yon.

Dumeretso na ako sa kwarto namin ni Camila para matulog.

.....

Hindi din naman ako nakatulog ng gabing 'yon kaya napagpasyahan kong linisin ang buong bahay. Inabot na ako ng umaga kakalinis.

Alas-nuebe na ng umaga ngayon at nagluluto ako para sa kakainin nina Reigne at Camila. Hindi ako kakain. Hindi ako nagugutom.

Lumabas si Camila ng kwarto pagkagising kaya naman siya na ang inutusan ko para pakainin si Reigne. Pero hindi pa lumilipas ang limang minuto nang lumabas si Camila mula sa kwarto ni Reigne at sinabing gusto daw na ako magpakain sa kanya.

Grabeng balahura 'yon. Sumunod na lang ako sa kanya para wala nang away ang maganap. Umupo ako sa harapan niya.

"Anong gusto mong unahin ko?" pang-aasar niya. Nakatingin siya sa mga pagkain habang nakangisi.

"Malay ko sayo. Ikaw ang kakain kaya ikaw ang masusunod."

Inuna niya ang oatmeal at nagsimula nang kumain. Nakangisi pa din siya na parang aso. Ang sarap niyang batukan sa ginagawa niya.

"Bakit ka ganyang makatingin? Nabibighani ka sa kagwapuhan ko?" mapang-asar niyang tanong.
"Ang hangin mo. Kumain ka nalang dyan."

Tumawa siya at pinagpatuloy ang pagkain ng oatmeal.

The Fallen AngelWhere stories live. Discover now