Chapter Twenty Three

20 0 0
                                    

- Yvette -

"Argh! Ang sakit!" daing ko pagdating sa aming mansion dito sa mundo ng mga tao.

Matagal ko nang alam na may balak si Erin kay Reigne. Siya ang itinakda na gawin ang misyon na iyon dahil sa lahat ng anghel na nasa langit, siya ang pinaka-espesyal.

Hindi ko alam kung ano ba ang espesyal sa babaeng 'yon. Napakahina naman niya kumpara sakin. Malakas ako. Hindi ako katulad niyang mahina.

Ginagamot ko ngayon ang aking sarili. Puro sugat ang katawan ko dahil sa babaeng 'yon. Nakakainis siya. May araw din sa akin yan.

Balak kong kunin si Reigne dito sa mundo ng mga tao para hindi matuloy ang plano ni Erin na baguhin ang ugali ng taong 'to at para na rin may maging hari at reyna na sa palasyo namin. Naiinip na nga ako kakahintay.

"Lawrence!"

"Ihanda mo ang mga sugo natin at susugod tayo mamaya sa bahay nina Erin. Kukunin ko sa kanya si Carlos."

"Ngunit, hindi po ba masyado pang maaga upang gawin ang bagay na 'yan?" pangingilatis niyang bigla.

Tinignan ko siya ng masama, "Wala akong pakialam. Gusto kong makuha si Carlos mamayang gabi para may hari na sa palasyo at para na din hindi matuloy ni Erin ang misyon niya dito sa mundo. Bilisan mo. Gawin mo kung ano ang iniuutos ko."

Yumuko naman siya bilang tanda ng paggalang.

Makikita mo, Erin. Kukunin ko sayo si Reigne. Hindi ka na muli pang makakabalik sa langit at habang buhay kang maghihirap. Tandaan mo yan.
.....

Alas-onse ng gabi nang pinalibutan namin ang buong bahay ni Reigne. Nakapatay na ang mga ilaw kaya siguro madali lang lumusob. Nang mag alas dose na ay napagdesisyunan na naming pasukin ang bahay nila. Wala akong maaninag na kahit anong liwanag. Parang wala atang tao dito.

Inutusan ko na libutin ng mga sugo ang buong bahay ngunit wala silang nakitang kahit anong bakas ni Reigne o ni Erin at Camila man lang. Paano nila napaghandaan ito?! Alam ba nila na susugod kami dito at kukunin si Reigne?!

Umalis na lang kami doon. Nakakainis lang dahil napaghandaan nila ang aming pagsalakay.

- Erin -

Hindi mo ko mauutakan, Yvette. Alas-dyes kanina nang pilitin ko si Reigne na pumunta sa uncle niya at doon na magpalipas ng magdamag. Kaya nakila Uncle Christopher kami buong gabi.

Nakita ko kung paano lumusob ang mga sugo ni Yvette pati na din siya. Mabuti na lang at nasabi ni Camila ang tungkol dito.

"Erin, uuwi na ba tayo bukas?" tanong ni Reigne.

"Oo."

"Bakit mo nga pala naisipan na pumunta dito, hija?"

"Matagal-tagal na din po kasi simula nung huli kaming dumalaw sa inyo. Nais po namin ikaw bisitahin."

"Salamat sa pagdalaw dito, hija. Kamusta na nga pala ang binti ni Reigne? Napapatingin niyo ba regularly sa doktor?"

"Opo, uncle. Kakagaling lang namin doon nong isang araw."

Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap hanggang sa lumabas si Camila mula sa cr. Siya ang pinagbantay ko doon ng tubig kung saan nakikita ang paglusob ni Yvette sa bahay.

"Ate, okay na." sambit ni Camila.

Napangisi ako.

The Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon