Chapter Thirty

3 0 0
                                    

Kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano humandusay sa lupa ang katawan ni Erin.

She saved me from death. She finally defeated Yvette.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya.

"Erin! Wake up!" ginigising ko siya pero hindi niya minumulat ang mga mata niya, "No, this can't be. Hindi ka pwedeng mamatay!"

Pinakinggan ko ang tibok ng puso niya. Pero wala akong naririnig. Is she really dead?

"Kuya.." 'yun na lang ang nasabi ni Camila.

Hindi na ako umimik at ipinagpatuloy ang panggigising kay Erin. Habang abala ako sa kanya ay nagulat ako nang magsimulang yumanig ang buong paligid. Nagbabagsakan ang mga malalaking tipak ng semento. Ilang sandali na lang ay guguho na ang palasyong 'to.

"Kuya, tara na umalis na tayo dito!" sigaw ni Camila sa'kin at hinahatak ako papalayo.

"Hindi tayo pwedeng umalis hangga't hindi nagigising si Erin! Hindi natin siya pwedeng iwan dito!" pagpupumilit ko kay Camila. 

Tinignan ko ulit si Erin na wala pa ding malay hanggang ngayon. Hindi ko din alam kung buhay pa ba siya o hindi na.

"We'll never leave this place unless kasama natin si Erin. Tulungan mo 'ko, Camila. Papasanin ko siya tapos aalis na tayo dito." utos ko sa kanya.

Hinanda ko na ang sarili ko para pasanin siya. Lumuhod ako habang nakaalalay naman ang isa kong binti upang makatayo. Inalalayan naman ni Camila si Erin para maisampa sa likod ko.

"Let's go." bigkas ko at sinimulan na naming tumakbo. Hindi ako makatakbo nang mabilis dahil medyo mabigat si Erin.

"Kuya, kaya ba natin?" naiiyak na sabi ni Camila.

"Kaya natin 'to, Camila. Look, subukan mong humanap ng daanan natin palabas. Mag-iingat ka."

"Sige po." pagsang-ayon naman niya at nauna na sa amin.

Patuloy sa pagguho ang iba't-ibang bahagi ng palasyo. Nagsisimula na ring magkaroon ng mga maliliit na biyak sa sahig na kinatatayuan namin. Hindi maganda 'to.

"Reigne.."

"Erin, you're alive!" masayang sabi ko habang patuloy pa din sa pagtakbo. Wala dapat masayang na oras kung hindi malilibing kami nang buhay dito.

"Anong nangyayari?" wala sa wisyong tanong ni Erin. Siguradong nanghihina pa siya dahil sa mga tinamong sugat.

"Ipapaliwanag ko sa'yo mamaya, kailangan muna natin makaalis dito." sagot ko sa kanya.

Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo pero may kung anong bumagsak mula sa itaas at nadapa ako. Dumagan sa akin si Erin. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at tumayo agad. Muli kong ipinasan si Erin.

"Kuya, dito ang daan palabas!" sensyas naman ni Camila.

Mabuti naman at nakahanap siya. Binilisan ko na ang pagtakbo hanggang makalabas kami. Bumagsak muli kami ni Erin paglabas. Inalalayan ko siyang makaupo at tinignan na lamang namin ang palasyo na patuloy sa pagguho.

Magkakahalong emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan. Wala din ni isa nagsasalita sa amin. Pagod kaming lahat.

Ilang saglit pa ay tuluyan nang gumuho ang palasyo. Walang natirang nakatayo. Lahat nasira.

"Sa wakas, tapos na." malumanay na sambit ni Erin habang nakatulala.

Pinagmasdan ko lang siya at muling tinignan ang gumuhong palasyo. Hindi na ako nagsalita. Punong-puno siya ng sugat sa katawan. Nandoon pa din ang bakas ng ginawa sa kanya ni Yvette.

"Tapos na din ang misyon ko sa'yo dito sa mundo ng mga tao, Reigne."

Dahan-dahan akong tumingin sa kanya at nakatitig lang siya sa akin.

"Erin.."

The Fallen AngelWhere stories live. Discover now