Chapter 40

8.4K 175 6
                                    

Kimeeko's POV

Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko nang masilawan ako. Napatingin ako sa katabi ko na natutulog pa.

Ano to? Bakit ba ako kinakabahan? Kinakabahan nga lang ba talaga ako o higit pa sa kaba? ARG!

Tinampal ko ng mahina ang pisngi ni Nash. "Nash gising na." sabi ko sakanya

"Hmm" sabi niya at napahilamos sa mukha niya.

Tumingin siya sakin ng nakakunot ang noo. Ang gulo ng buhok niya which makes him sexier. Ilayo niyo sakin si Nash, baka hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko sakanya. Hindi ako rapist, alam niyo yan. Pero kapag ako hindi nakapagpigil, magpapaliwanag na lang ako sa presinto ^______^

Nag ayos na kami ni Nash at tumambay sa may kalye. As usual, naghihintay nanaman kami ng kotseng dadaan para makabalik na kami. Pero wala pa rin talaga. Hindi na nga ako nakapunta sa shooting namin eh, patay ako sa manager ko.

After 1 hour, may isang kotseng tumigil sa harap namin. Tapos may lalaking bumaba sa kotse, kamuka niya si Kanji. At hindi lang basta basta kamukha niya, as in siya nga talaga, wearing a smile on his face.

"Kimeeko, oy pinsan." sabi niya samin ni Nash

Si Nash naman tiningnan lang siya ng masama. Ano bang problema nila sa isa't isa? Ambitter naman ni Nash kay Kanji.

"So andito pala kayo. Pano kayo napadpad dito?" tanong niya samin

"Eh kasi--" naputol ang pananalita ko nang dahil kay nash.

"Wala kang pakealam." sabi naman niya kay Kanji. Oh diba? Bitter talaga siya.

"Tss. Hahaha, okay okay. Uhm, iisipin ko na lang na nasira ang kotse ni Nash at wala kayong masakyang kotse pauwi. Hmm, pwde naman kayong makisakay sa kotse ko." sabi ni Kanji

Nanlaki naman ang mata ko nun. As in, naghugis puso pa nga ito eh, kasi gustong gusto ko na talagang umuwi, patay talaga ako kay papa nito.

"Ta--talaga? Waaaah! Sige sige, tara na!-- Ay teka, paano pala ang shooting natin? Diba ngayon yun? Eh bakit ka andito? Galit ba sakin ang director o si manager?" tanong ko kay Kanji

"Hindi. Sabi ko bukas na lang ang shooting natin dahil may date tayo ngayon. At ang sabi nila kelangan daw may picture tayo sa date natin at ipapakita natin sakanila yun bukas, para malaman daw nila kung totoo nga o hinde." sabi ni Kanji nang nakangiting malapad.

"Tch, Heh! Tumigil ka nga dyan. Tara na ihatid mo na kami." sabi ni Nash at hinila na ako papasok ng kotse.

Makahila naman to. Akala niya sakanya yung kotse eh.

"Eh Nash yung kotse mo, iiwan mo?" tanong ko sakanya

"Hinde Meeko. Dadalhin ko, kayang kaya ko kasi dalhin yun eh." sabi niya

Bakit ba ang init ng ulo nito?

"Ah okay. Sige, ikaw bahala." sabi ko na lang at tumahimik na.

Mahirap na kapag mayaman ka, kung san san mo na lang iniiwan ang kotse mo, parang laruan lang sakanila eh.

Pumasok na si kanji sa kotse, sa may driver's seat. Tapos lumingon siya samin.

"Oh Meeko, dito ka na sa tabi ko. Nagmumukha akong driver nito eh." sabi ni Kanji.

Bababa na sana ako ng kotse at pumunta sa passenger seat. Pero may biglang humawak sa may wrist ko, walang sinabi si Nash. Bigla na lang siyang bumaba at mas mabilis pa sa alas kwatro ay nakita ko na siyang nakaupo sa passenger seat.

Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]Where stories live. Discover now