Chapter 34

7.7K 185 5
                                    

Kimeeko's POV

Nakarating na rin kami ng Japan. Pagdating namin sa bahay, syempre, dumiretso ako sa kwarto ko. Si Meeson na kay mama. Wala pa si papa sa bahay, mabuti yon. Sana overtime siya sa work niya, sana straight 2 months siya dun sa company hanggang sa makalimutan nyang pagalitan ako. Sana madami siyang work.

Hindi naman sa gusto kong pagurin ang papa ko, gusto ko lang makalimutan niyang pagalitan ako. Yung ganun ba.

Kasalukuyang nagluluksa ako dito sa kwarto ko. Chos! Nagluluksa talaga? Sige, nagriritwal na lang. Nagdadasal ako. *sigh* Paglipas ng isang oras, syempre mas lalo na akong kinabahan. Syetness!

*Knock knock*

"Anak?" narinig ko ang boses ni mama.

Kaya agad akong bumangon at binuksan ang pinto. Pagkabukas ko ng pinto-- "Bakit ma-- PAPA?!" halos malaglag ang panga ko sa nakita ko. 

Seryosong pumasok sa kwarto ko si papa. Hindi pa siya nagpapalit ng damit, halatang galing siya sa company, nakasuit pa kasi siya eh.

"Ah papa, magpalit muna kayo ng damit, pagod po yata kayo eh. Gusto niyo ba ng kape?"

"Kimeeko ano ang sinabi ko sayo, diba ang sabi ko wag ka nang bumalik dun? Pasaway ka kasi masyado eh. Kaya ayan, nasasaktan kana. Kung hindi pa sinabi ni Kathy sakin yung nangyayari sainyo, hindi pa namin malalaman ng mama mo." mahinahong sabi ni papa. Tinapik ni papa yung kama ko which means umupo ako sa tabi niya. Inakbayan niya ako. "Haynako! Pag-ibig ano bang ginawa mo sa anak ko?"

Natawa naman ako sa sinabi ni papa. "Papa naman eh."

"Kimeeko pinauwi kita rito, hindi para pagalitan. Kundi para ilayo ka sa sakit at makalimutan mo na siya. Kaya sana habang andito ka, kinakalimutan mo na siya." sabi ni papa. Tumayo siya. "Magpapahinga na ako. Ikaw rin." tapos umalis na.

Sa paglabas ni papa sa kwarto ko, syet! NAKAHINGA AKO NG MAAYOS. Mbuti na lang talaga hindi ako pinagalitan ni papa. Akala ko kasi mapapagalitan nanaman ako kagaya nung sinabi kong may Meeson sa tiyan ko eh.

"Maraming salamat po. Salamat! Thank you thank you." sabi ko habang nakaharap sa altar

"WALANG ANUMAN." 

O_O

Paglingon ko.

"Boo!"

"Ay huta! Kathy, bakit ka ba andito? Pano ka nakapasok?"

"Bwahahaha, pasalamat ka hindi ka pinagalitan ni tito. Tsk tsk tsk. Sa akin ka magpasalamat, ako ang nakiusap sa papa mo." sabi niya sakin sabay higa sa kama ko

"Tse! Umalis ka nga dyan." pero hindi pa siya bumabangon. "Umalis ka sabi eh."

"Magpasalamat ka muna" sabi niya sabay pikit. Aba matinde!

"Hoy babae gusto mong magpasalamat ako sayo? Eh ikaw ang dahilan kung bakit ako pinabalik dito eh. Tsk." sabay hila sakanya para umalis na siya sa kama ko

"G-R-R-R-R-R-R-R-R. Kimeeko Kimeeko Kimeeko, grow old. Sinabi ko lang yun sa parents mo kasi kelangan nilang malaman yun, anak ka nila, magulang mo sila. Dapat sinasabi mo ang nangyayari sayo. Sige aalis na ako, pero di ako titigil sa pakikialam sayo." sabay alis niya

Napahiga na ako sa kama ko. *SIGH* Stressed ako. Kelangan ko nang magpahinga-- Teka, may naalala ako. Napabangon naman ako saka binuksan ang bag ko. Nakita ko yung paper kung saan sinulat ni Earth ang letter niya sakin.

Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]Where stories live. Discover now