Chapter 24

8K 196 19
                                    

Micah's POV

Kinabukasan. Nagreresearch ako sa google ngayon. Oo, for the first time in my life, nagkaroon ako ng ganang bumisita sa google. Eh kasi naman, kelangan ko siya ngayon.

Tinype ko na ang gusto kong iresearch. Well, ang nireresearch ko ay ang pwde naming problemahin ni Kevin. Gusto ko talaga ng problema, alam kong ang weird pakinggan pero GUSTO KO, kaya wala kayong pake! :P Chos.

"Nak, kumain kana. Naghanda na ako ng-- Wow, gumu-google ka? Anong nireresearch mo?" tanong ni mama tapos lumapit sakin.

Agad ko namang ni-minimize ang google chrome at hinarang si mama. Mabuti na lang malabo ang mata ni mama. ^o^

"Ah wa--wala po. Hmm, nagreresearch lang po ako para sa-- sa assignment namin."

"Eh bakit ayaw mong ipakita sakin? Siguro may tinatago ka!" sabi ni mama sakin

"Wa--wala po. Ano-- ano lang.. Hmm, nagchachat kasi kami ni Kevin eh, kaya ayoko pong makita niyo. A-hehe." sabi ko na lang. Maniwala ka please!

"Ah ganun ba! Asus! Ikaw na bata ka, andami mong kaechosan ha. Magkapitbahay lang naman kayo ni Kevin, nagchachat ba. Anong kalandian to?"

"Haha, mama naman. Kasi po ayaw ko siyang papuntahin dito."

"Ah ganun ba? Ok. Lika, bumaba kana nang makakain na tayo." sabi ni mama

"Ah o--opo, bababa lang ako." sabi ko kay mama at agad kong sinarado ang pinto.

Whoo!

*text message*

Kinuha ko ang phone ko dahil may nareceive akong message. Galing kay Kevin. Binasa ko yon.

Micah, magkita tayo sa park. May sasabihin ako sayo. Wag ka nang umayos, importante lang to. Kelangan mo nang agad malaman.

Naguluhan naman ako sa text niya sakin. Bakit? Bakit parang ayokong pumunta? Kinabahan ako. Nung mabasa ko ang MAY SASABIHIN AKO SAYO, bumilis talaga ang tibok ng puso ko. Ano ba yun? Wala naman akong iba ha? Hindi naman ako nagsinongaling sakanya? O_O Baka nalaman niyang iba ang first kiss ko? Pero wala pa naman akong first kiss eh! Putapete, kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko.

Nash POV

Nasa mall kami ngayon ni Kendra. Kung saan-saang boutique na kami pumasok, pero parang hindi pa rin siya napapagod at balak niya atang pumasok sa lahat ng boutique dito.

"Uy Nash eto, maganda ba sakin?" tanong niya pa

Nginitian ko na lang siya. "Ahm, I'll take that as a yes. Silence means yes naman eh" sabi niya tapos kumuha pa siya ng ibang damit na nagugustuhan niya.

Pagkatapos ng limang oras na pagshoshopping, nag aya na siyang kumain. Nagpapasalamat ako ng sobra!

"Nashy nakikinig ka ba?" sabi ni Kendra sakin habang kinakaway kaway ang kamay niya sa mukha ko

"A--ah, o--oo naman.." sabi ko na lang. Pero hindi naman talaga ako nakikinig sakanya eh.

"Hmp! Kung talagang nakikinig ka, anong sinabi ko, aber?" tanong niya

Napabuntong hininga na lang ako. "Ok, hindi ako nakikinig. May naalala kasi ako eh." sabi ko sakanya.

"Ah I guess sila yon. Hmm, its ok. Kung umalis siya edi umalis nga siya. Tss, isama niya pa yung bubwit na yun."

Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]Where stories live. Discover now