Chapter 27

7.8K 191 8
                                    

Yulie's POV

Nasa bahay ko ako ngayon. Kapag day off ko sa pagiging PA ni Kenchan, umuuwi ako dito sa bahay ko. Mahirap na, baka magkamulto na lang dito sa sobrng tahimik. Kasalukuyang inaayos ko ang mga gamit ko.

*ding dong ding dong*

Tsk. Sino naman kaya to? Wag naman sana sila Kim at Micah, hindi pa kasi ako nakakapaglinis eh, magkakalat lang ang mga yon dito.

Lumabas ako ng bahay at dumiretso sa may gate. Pagbukas ko ng gate--

O______O

"KENCHAN?!" napasigaw ako. Eh kasi naman, nabigla talaga ako. Pano niya nalamang dito ako nakatira? Wala naman akong nababanggit sakanya eh

"Hi Yulie. Wow, ang sexy mo naman. Ngayon lang kita nakitang nakasando at short. Sa bahay namin, ang baduy mong manamit eh." sabi niya tapos pumasok.

Bastos talaga tong lalaking to! Hinampas ko siya gamit ang walis na hawak ko pala. "ARAY!" sigaw niya. Arte talaga neto!

"Hoy bakit ka ba andito ah? Wala ka bang magawa sa buhay mo? Pano mo nalamang dito ako nakatira?" 

"Ang daming tanong eh! Wala, wala kang pakealam kung pano ko nalaman ang address mo. Ang importante andito ako!" sabi niya pa tapos nagawa pang ngumisi.

"Ha--ha! Ngisi ka pa dyan! Whatever." sabi ko sakanya.

Hindi niya ako pinansin at pumasok na sa bahay ko. Pumasok na rin ako. Tapos pagpasok ko, nakita kong nakaupo sa sofa si Kenchan, tapos nakataas ang paa niya sa may coffee table na nasa gitna, tapos kumakain pa siya ng chips at kumuha pa siya ng drinks sa ref ko. LANGYA!

"Hoy feel at home ka talaga dyan ha? Close ba tayo?" ako

"Tss, hoy nakakalimutan mo ba? Nililigawan mo kaya ako. Bastos ka ah!" sabi niya sakin

"Ay wow, galing eh. Pinaalala mo pa talaga sakin eh noh. Alam ko yun! Gago." sabi ko sakanya

*ding dong ding dong*

Ah bwiset! May bisita nanaman ako. Hindi namn ako nang-imbita ah? Wala namang party dito sa bahay ko ah?

"Ako na ang magbubukas ng gate." sabi ni Kenchan sakin tapos tumayo siya. Hinayaan ko na lang siya.

Hindi nagtagal, pumasok na si Kenchan kasama ang--

Kasama ang tatay ko?!??!?!?!

"Oh anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa tatay ko

Lumapit sakin si Kenchan.

"Pumunta ako dito para ibigay sayo ang allowance mo." sabi niya sakin sabay abot sakin ng envelope

"Allowance? Ang kulit mo eh. Hindi ba ang sabi ko, wag mo na akong bibigyan ng allowance? Dahil hindi ko naman kelangan yan eh. May pera ako, kaya kong mabuhay mag isa. Kaya pwde ba, tigilan mo nga ako." sabi ko sakanya

Napatingin naman ang tatay ko kay Kenchan.

"Oh ikaw, sino ka?" sabi pa niya

"Siya si Kenchan, ni--"

"Ah ako po si Kenchan, manliligaw po ni Yulie" sabi pa ni Kenchan

"Ah ganun ba? Ang gwapo naman ng manliligaw ng anak ko. Anak, magbihis ka nga. Magshirt at pants ka nga." sabi ng tatay ko

Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]Onde histórias criam vida. Descubra agora