Chapter 18

10.4K 219 2
                                    

Kimeeko's POV

Third day na ng foundation week namin. Kahapon dinala namin si Meeson dito, pero ngayon hindi na. Kasi dinala siya ng mama at ate ni Nash sa Tagaytay. Nasa tambay lang kami ngayon, ayaw kasi naming magbantay ng booth. Pinagtataguan namin yung mga kagrupo namin.

*sniff sniff sniff*

"Oh Kim bakit ka umiiyak dyan?" tanong ni Micah sakin

Oo, umiiyak ako. Kasi naman e! Etong story na to. Nakakainis!

"Ah eh-- ka--kasi itong story na to eh *sniff* Hindi ko mapigilang hindi maiyak. Ang sakit." sabi ko pa

"Wow, ang sakit? Relate ka sa story?" tanong ni Yulie

"Hindi naman, pero mabigat sa dibdib ang problema nila e." sabi ko pa.

Nanlaki naman ang mata ni Nash. Tapos nilapitan ako. "Ma--mabigat sa dibdib?" tanong niya. Tapos tumango ako. "Eh wala ka namang dibdib Meeko." bulong niya sakin tapos tumawa. 

=________________=

"Arg! Peste ka! Bastos!" sabay hampas ko sakanya.

Ilag lang siya ng ilag. Hahawakan niya ang kamay ko tapos magpupumiglas ako then hahampasin ko siya ulit.

"Hahahahaha tama na Meeko. Nagbibiro lang ako." sabi niya pa habang tumatawa pa rin =_=

"Bastos ka talaga! Nakakainis" sigaw ko sakanya

"Joke nga lang yun eh. Hindi na ako tatawa. Hahahaha." sabi niya

Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]Where stories live. Discover now